Goyong, 9-anyos lang, pero may gf na!

Nakakaaliw kausapin si Goyong na ang tunay na pangalan ay Steven Claude Goyong na regular mainstay ng Beh, Bote Nga ng Channel 7. Kasama ang magaling na child actor sa Agimat (Anting-Anting ni Lolo). Ginagampanan niya ang papel ni Pao na nakipaglaban din sa masasamang ispiritu.

Siyam na taong gulang lang siya pero nagkaroon na ng maraming nobya gaya ni Dindin, Mary at Clarissa pero sinabing nakipag-break siya sa huli dahil nang maapakan ang gf ay sinampal siya nito.

Grade III na si Boyong sa Hill Crest School sa Antipolo at kahit busy sa taping o pelikula ay hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral. Katunayan ay honor pupil siya. "Kasi po, kapag may taping o syuting ako ay dinadala ko ang mga libro at doon ako nagbabasa at nag-aaral. Hindi po ako nagpapabaya sa pag-aaral kahit puyat ako dahil ayaw kong bumaba ang grades ko," anang child actor.

Natuklasan siya sa "That’s My Boy" hanggang kunin sa komersyal na naging daan niya sa pag-aartista.
Nabigyan Ng Halaga Ang Pagkakaisa Ng Mga Taga-Industriya
Naroon ako sa mga miting bilang miyembro ng committee on Media Relations at publicist ng Metro Manila Film Festival Philippines kung saan naganap ang kontrobersya sa pagitan ng mga producers at MMFF executive committee tungkol sa pagbabago ng desisyon na gawin na lang siyam ang entries sa halip na 7-2. Mahirap ang naging papel ni Mayor Rey Malonzo dahil siya ang napapagbintangan tungkol dito kung saan iba’t ibang dahilan ang lumitaw na kinulayan pa ng pulitika.

Nang magkaroon ng ikalawang botohan para i-consider ang appeal na gawin itong siyam ay nagpatawag ng miting ang execom sa mga prodyuser pero hindi sila nakadalo at mga representatives lang ang kanilang ipinadala kaya hindi rin sila makapag-decide ng mabuti tungkol sa desisyon. Majority of them ay nag-decide na gawin uli itong siyam. Dito na umalma ang mga kasaling prodyuser at sinabing makakaapekto sa takilya ang kikitain ng kanilang big-budgeted movies dahil kukulangin ng mga sinehan.

Pero wala silang direct na communication dahil hindi nga sila nakakadalo sa miting. Para matapos na ang gulo ay nagpatawag uli sila ng close door conference noong Biyernes para magkaroon ng dialogue ang mga prodyuser at execom para sa final decision. Napagkaisahan na ibalik ang siyam na entries pero deffered ang pagpapalabas ng dalawang pelikula na nasa walo at siyam na pwesto. Pareho rin ang ruling sa 7-2 movies na naunang napagdesisyunan kaya pumayag ang mga prodyuser. Dumalo sina Rudy Fernandez, Bong Revilla, Marlon Bautista, William Mayo, Lito Marcos at gaya ng isang pamilya ay nalutas ang problema. Tinanggap din ng mga prodyuser ang subsidy nila na 4 M para sa napiling 7 pelikula at sa 2 natirang movie ay 2.5 M.

Ang siyam na entries ay on equal footing kung saan sasali silang lahat sa parada, kasali sa pipiliin sa iba’t ibang kategorya para sa Awards Night pero magkakaiba lang sa playdate ng pelikula. Ang pitong entries ay sisimulang maipalabas sa December 25 at ang nahuling dalawa ay sa January 1. Sabi nga nila, ganoon naman ang nangyayari sa showbiz na sa kabila ng kaguluhan o kontrobersya ay maganda pa rin ang nagiging wakas. Sa panahong ito ayon pa sa kanila ay dapat silang magkaisa tungo sa magandang layunin na pasiglahin muli ang pelikulang Tagalog. Malaking tulong ang naibigay ni Pangulong Gloria Macapagal na 50 milyon subsidy para maging matagumpay ang festival na tinatayang pinakamalaki at pinakamasaya sa taong ito.
Chris, Uuwi Na Ng Bansa
Miss na miss na ni Christopher Roxas ang nobyang si Gladys Reyes kaya uuwi na ng bansa ngayong Enero. Halos araw-araw ay nagtatawagan sila by overseas call kung saan malaking pera ang natatapon.

Kahit sabihin ng aktres na magtagal pa roon ang nobyo ay talagang hindi na nito matiis na di makita ang nobya.

Sa kabilang banda ay magkakaroon uli ng pelikula sa FLT Films si Gladys matapos siyang magustuhan ng prodyuser, direktor at staff ng kompanya dahil sa kabaitan at propesyonalismo. Wala pa itong pamagat pero anytime ay magkakaroon na sila ng story conference.

Ngayong Kapaskuhan ay ratsada na naman ito sa mga out-of town shows bukod pa sa pagiging mainstay ng isang soap opera sa Dos.
Magaling Kasi Sa Kama Ang Sexy Actress
Minsan ay nai-confide ng isang napakagandang aktres sa isang premyadong aktres din ang kanyang problema sa kasalukuyan. Ang kanyang asawa na isa ring aktor ay napapaugnay sa sexy actress kung saan balitang noon pa pala ay may lihim na relasyon na ang dalawa ayon sa aking source.

Nang muling magkrus ang kanilang landas ay muling na-rekindle ang dating magandang pagsasamahan kaya muling namuo ang relasyon.

Kahit nasa aktres na ang lahat ng katangian at wala nang hahanapin pang iba ang kanyang asawa ay may isang bagay na talo siya ng sexy actress at ito ay ang pagiging magaling sa kama. Sabi ng aktres sa kaibigang respetadong senior actress ay hindi siya magtataka kung in love ang kanyang asawa dahil super galing ang sexy actress sa romansa.

Show comments