Sabagay, bago pa man ihayag ang unang deklarasyon ng MMFF para sa pitong opisyal na kalahok sa taong ito ay mainit ang clamor ng ibat ibang sector na papasukin na ang siyam na pelikula dahil pawang malalaki at ginastusan ang mga ito.
Ngayong pasok na ang siyam na pelikula sa MMFF na magsisimula sa December 25, tiyak na magpipyesta ang mga manonood dahil pare-parehong magaganda ang mga pelikulang kalahok. Magkakatalo ngayon kung alin sa siyam na entries ang mangunguna at mangungulelat sa takilya .
"Sana naman lahat ng siyam na kalahok ay kumita," asam ng bida ng Lastikman na si Vic na tuwang-tuwa sa bagong development ng MMFF.
Samantala, maraming bata ang natuwa nang mabalitaan nila na pumasok na rin sa MMFF ang pelikula dahil aliw na aliw umano sila sa trailer na kanilang napapanood lagi sa Eat Bulaga.
Bago pa man inihayag ng MMFF committee ang kanilang desisyon, mariin nang umayaw ang action star-producer at VRB chairman na si Bong na ipasok ang lahat na siyam na pelikula dahil matatalo umano sila dahil mababawasan sila ng mga sinehan sa pagpasok ng dalawa pa ngang pelikula.
Ayon kay Bong, wala umano siyang pakialam kung may mga taong masagasaan pero naninindigan lamang umano siya sa inaakala niyang tama. Kung anuman ang maging desisyon ng iba pang producer na umaayaw sa pagpasok ng Lastikman at Spirit Warriors, susuporta umano siya. Kung magba-back-out umano ang mga ito sa MMFF, ganundin umano ang kanyang gagawin.
"Im so excited sa bago kong papel dahil ibang-iba ito kay Madame Claudia ng Pangako Sa Yo," pagmamalaki pa ni Jean.
Sa halip na magpahinga si Jean ay nagtanghal naman siya sa Japan at Amerika kaya tuloy-tuloy ang kanyang trabaho.
Bukod sa bago niyang teleserye, may bago rin siyang pelikulang ginagawa sa ilalim ng Star Cinema, ang panibagong version ng Moral na pinangangasiwaan ni Marilou Diaz-Abaya. Tampok din sa pelikulang nabanggit sina Eula Valdez, Cherrie Pie Picache at iba pa.
Kung maganda ang takbo ng showbiz career ni Jean, gayundin naman sa kanyang personal na buhay. Niyayakag na rin siyang magpakasal ng kanyang Japanese boyfriend na ama ng kanyang bunsong anak na si Kotaro, now seven months. Ang kanya namang panganay na anak na si Jennica (by former actor Jigo Garcia) ay 12 years old na.
Samantala sa Amerika, hindi Jean ang tawag sa kanya ng mga tao kundi Madame Claudia pero natutuwa umano siya sa halip na ma-offend dahil natatandaan ng mga tao ang kanyang character sa Pangako Sa Yo.