^

PSN Showbiz

Mikey may bagong action movie

RATED A - Aster Amoyo -
Although nalungkot ang OctoArts at M-Zet Films sa unang naging desisyon ng MMFF screening committee sa hindi pagkakapasok ng Lastikman na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Donita Rose mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes, napalitan ito ng kasiyahan nang baliktarin ang desisyon ng mga namumuno ng MMFF na ipasok na lamang lahat ng siyam na pelikula at kasama rito ang Spirit Warriors na isa rin sa hindi pumasok sa magic 7 slot.

Sabagay, bago pa man ihayag ang unang deklarasyon ng MMFF para sa pitong opisyal na kalahok sa taong ito ay mainit ang clamor ng iba’t ibang sector na papasukin na ang siyam na pelikula dahil pawang malalaki at ginastusan ang mga ito.

Ngayong pasok na ang siyam na pelikula sa MMFF na magsisimula sa December 25, tiyak na magpipyesta ang mga manonood dahil pare-parehong magaganda ang mga pelikulang kalahok. Magkakatalo ngayon kung alin sa siyam na entries ang mangunguna at mangungulelat sa takilya .

"Sana naman lahat ng siyam na kalahok ay kumita," asam ng bida ng Lastikman na si Vic na tuwang-tuwa sa bagong development ng MMFF.

Samantala, maraming bata ang natuwa nang mabalitaan nila na pumasok na rin sa MMFF ang pelikula dahil aliw na aliw umano sila sa trailer na kanilang napapanood lagi sa Eat Bulaga.
* * *
Kung tuwang-tuwa si Vic Sotto at ang bumubuo ng Lastikman, ganundin ang Streetboys sa pagkakapasok ng pelikulang Spirit Warriors sa MMFF, hindi naman ganito ang nararamdaman ng ibang kalahok tulad ni Bong Revilla, pangunahing bituin sa pelikulang Agimat (Anting-Anting ni Lolo) na produced ng Imus Films.

Bago pa man inihayag ng MMFF committee ang kanilang desisyon, mariin nang umayaw ang action star-producer at VRB chairman na si Bong na ipasok ang lahat na siyam na pelikula dahil matatalo umano sila dahil mababawasan sila ng mga sinehan sa pagpasok ng dalawa pa ngang pelikula.

Ayon kay Bong, wala umano siyang pakialam kung may mga taong masagasaan pero naninindigan lamang umano siya sa inaakala niyang tama. Kung anuman ang maging desisyon ng iba pang producer na umaayaw sa pagpasok ng Lastikman at Spirit Warriors, susuporta umano siya. Kung magba-back-out umano ang mga ito sa MMFF, ganundin umano ang kanyang gagawin.
* * *
After two months and a half, matapos magwakas sa ere ang top rating TV drama serial na Pangako Sa ‘Yo, kung saan lumutang ang character na ginampanan ng actress-singer na si Jean Garcia bilang Madame Claudia, muli na namang lulutang ang husay ni Jean bilang actress sa kanyang bagong papel bilang Lady Morganna Frost sa tumatakbo na ngayong teleserye sa Dos, ang Kay Tagal Kang Hinintay na pinangungunahan ni Lorna Tolentino. Si Lady M. ay kapatid ng character na ginagampanan naman ni Bing Loyzaga.

"I’m so excited sa bago kong papel dahil ibang-iba ito kay Madame Claudia ng Pangako Sa ‘Yo," pagmamalaki pa ni Jean.

Sa halip na magpahinga si Jean ay nagtanghal naman siya sa Japan at Amerika kaya tuloy-tuloy ang kanyang trabaho.

Bukod sa bago niyang teleserye, may bago rin siyang pelikulang ginagawa sa ilalim ng Star Cinema, ang panibagong version ng Moral na pinangangasiwaan ni Marilou Diaz-Abaya. Tampok din sa pelikulang nabanggit sina Eula Valdez, Cherrie Pie Picache at iba pa.

Kung maganda ang takbo ng showbiz career ni Jean, gayundin naman sa kanyang personal na buhay. Niyayakag na rin siyang magpakasal ng kanyang Japanese boyfriend na ama ng kanyang bunsong anak na si Kotaro, now seven months. Ang kanya namang panganay na anak na si Jennica (by former actor Jigo Garcia) ay 12 years old na.

Samantala sa Amerika, hindi Jean ang tawag sa kanya ng mga tao kundi Madame Claudia pero natutuwa umano siya sa halip na ma-offend dahil natatandaan ng mga tao ang kanyang character sa Pangako Sa ‘Yo.
* * *
Magsisimula na ngayong December 18 ang shooting ng Masamang Ugat, isang action movie na tatampukan nina Ace Vergel, Victor Neri at Mikey Arroyo na ididirek ni Willy Milan. Ito bale ang second project ni Mikey sa bakuran ng Viva Films although hindi pa naipapalabas ang pelikulang Todo na Yan, Kulang pa Yon na pinagsasamahan nila nina Andrew E. Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Patricia Javier, Jen Rosendahl at ang Salbakuta na pinamamahalaan ni Al Tantay.
* * *
Email: [email protected]

CENTER

LASTIKMAN

MADAME CLAUDIA

MMFF

PANGAKO SA

SPIRIT WARRIORS

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with