^

PSN Showbiz

Paolo at Nancy: 'We're just friends!'

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Ang gasgas na linyang laging pinakakawalan ng mga artista kapag may nakakaamoy na tungkol sa kanilang relasyon ay "We’re just friends".

Kumbaga sa diksiyunaryo ay gamit na gamit ang mga salitang ito, kung may sariling bibig nga lang ang nasabing linya ay magrereklamo na ito, makikiusap na huwag na sana silang gamitin pa.

Kapag tinatanong ng marami sina Paolo Contis at Nancy Castiglione kung mag-ano na ba sila ngayon ay pinakakawalan din nila ang linyang "We’re just friends".

Kung minsan ay sinasahugan ‘yun ni Paolo ng "I Like her," na sasagutin naman ni Nancy ng "We get along fine, he’s nice."

Kahit pa madalas na silang magsama sa paglabas-labas at kahit pa oras na ang binibilang kapag nag-uusap sila sa telepono ay wala pang kumpirmasyong nagmumula sa dalawa, basta magkaibigan pa lang sila ngayon, pero ispesyal na magkaibigan.

Nu’ng isang araw ay pinasaya ni Nancy si Paolo, gumawa ng gimik ang dalaga, nanghiram siya ng uniform ng isang waiter ng Friday’s, umorder ng masarap na pagkain, saka personal niyang idineliber ‘yun sa nagteteyping ng Klasmeyts na si Paolo.

Nagpanggap na waitress si Nancy, kaya ganu’n na lang ang kaligayahan ng binata nang makita ang kanyang nililigawan na nag-abala pa talaga, madalhan lang siya ng pananghalian.

Ganu’n silang dalawa, kapag maluwag naman ang iskedyul ni Paolo ay dinadalaw niya si Nancy sa teyping ng Kahit Kailan, kahit pa artista siya sa kalaban nitong programang Tabing-Ilog.
* * *
Matagal na naging karelasyon ni Nancy si Luis Manzano, si Lucky ni Mayor Vilma Santos, na ayon sa dalaga ay nananatili niyang kaibigan.

Ayon kay Nancy, kahit hiwalay na sila bilang magkarelasyon ni Lucky ay nagtatawagan pa rin sila, nagpapalitan ng text messages, dahil ayaw nilang masira ang kanilang pagkakaibigan.

Alam ni Lucky ang panliligaw ni Paolo kay Nancy, alam din ni Nancy ang panliligaw ngayon ni Lucky kay Anne Curtis, sa binata raw ni Ate Vi niya ‘yun nalaman at hindi sa ibang tao.

At sinsero si Nancy nang sabihin niyang nakahihinga na siya nang maluwag ngayon, dahil ang napiling ligawan ni Lucky ay isang babaeng mabait, mapagmahal at matino.

"I know Anne, she’s a nice girl, so I’m happy for Lucky," sabi pa sa amin ni Nancy.

Maganda ang paghihiwalay nina Luis at Nancy, walang kahit sinong nanira sa kanila, kahit hiwalay na sila ngayon ay puro papuri pa nga ang binibitiwan nilang salita para sa isa’t isa.

Kapag pagod na pagod na siya sa pagtatrabaho ay nakapagpapagaan sa kanya ang mga pangungumusta ng binata, may malasakit pa rin ito sa kanya, kahit putol na ang kanilang relasyon.

Kung kilala nga namin si Paolo ay natural lang na may nararamdamang selos ang binatang aktor sa mga nagaganap, pero saludo si Paolo sa kabaitan ni Nancy, kaya para sa kanya ay pagkakaibigan na lang ang namamagitan kay Lucky at sa dalaga.

"I know naman what I’m doing, Paolo won’t stop me from making friends with Lucky, ‘coz wala naman talaga kaming problema.

"Kahit naman siya, I understand when I heard things about him and his ex-girlfriend, I don’t take it against him, ‘coz I also keep my friends," katwiran pa ni Nancy.

Pero magkaibigan pa lang daw sila ni Paolo, sabi ni Nancy, litanyang mas madalas ay pinagtatawanan lang namin o kaya’y ipinagkikibit ng balikat.

Opinyon nila ‘yun na kailangan naming irespeto, pero may sariling opinyon din kami na kailangan nilang unawain ni Paolo.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ATE VI

I LIKE

KAHIT

KAHIT KAILAN

LANG

LUCKY

NANCY

PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with