Piolo, bagsak na ang katawan tuloy pa rin sa trabaho
December 14, 2002 | 12:00am
Dahil magiging abala siya para sa promosyon ng Dekada 70 kung saan isang mahalagang papel ang kanyang ginagampanan ay hindi makadadalaw sa kanyang pamilya sa Amerika ngayong Pasko si Piolo Pascual.
Ilang taon nang ganun ang hinihingi ng guwapong aktor sa Talent Center, ang sanay makasama niya ang kanyang ina at mga kapatid sa Amerika tuwing dumarating ang Kapaskuhan.
Pero maligaya pa rin si Piolo dahil ang kanyang ina at kapatid naman ang dadalaw sa kanila rito, kaya kumpleto pa rin ang Pasko ng pamilya.
Mauunang umuwi ang kanyang kapatid na si Patricia bago mag-Bagong Taon at pagkatapos naman ng New Year ay si Mommy Amy ang uuwi, ang kapatid lang niyang si Pamela ang hindi makararating dahil maliit pa ang anak nito.
Dahil sa sobrang pagod at kawalan ng tulog ay bumagsak kamakailan ang katawan ni Piolo, nawalan siya ng boses at nilagnat, pero tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho.
Sobra naman kasi ang propesyonalismo ng batang aktor, kung saan kapos ang maraming artistang nagpapabaya sa trabaho, dun naman umaapaw si Piolo.
Grabeng mahalin ng guwapong aktor ang kanyang trabaho, hindi bale nang hindi siya makapag-gimmick paminsan-minsan, basta walang sumasabit sa kanyang mga kompromiso.
Kung minsan nga ay kami na ang nagtataka kung paano pa niyang nagagampanan ang kaliwat kanan niyang shooting, taping at out of town shows, kami ang nakakaramdam ng pagod para sa kanya.
Pero yun na ang kanyang naturalesa, nasanay na rin ang kanyang sistema sa pagtatrabaho, baligtad nga ang nangyayari dahil kapag may araw sanang bakante ay parang mabigat ang kanyang pakiramdam.
"Basta mahal nyo naman po kasi ang ginagawan nyo, e, wala kang mararamdamang pagod. Yun nga lang, paminsan-minsan, e, nandun yung reminder na tao ka nga lang pala na naglo-low-batt din paminsan-minsan," sabi ni Piolo.
Napanood na namin nang buong-buo ang Dekada 70, ang opisyal na lahok ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival, at ngayon pa lang ay nakabuslo na ang maraming parangal para sa sinulat na kuwento ng Reyna ng Literatura na si Lualhati Bautista.
Ang pagkakadirek, ang pagganap ng mga artista, ang production design at takbo ng kuwento ng pelikula ay kahanga-hanga, kapos ang mga superlatibong salita para mailarawan namin ang kabuuang kagandahan ng pelikula.
Hindi kami binigo ni Mayor Vilma Santos bilang si Amanda Bartolome, ang ina sa kuwento na nakikisabay sa limang ibat ibang ugali ng lima nilang anak na lalaki ni Christopher de Leon bilang si Julian.
Tama ang sinabi ni Direk Chito Roño na ang limang kabataang aktor sa pelikula na kinabibilangan nina Piolo, Carlos Agassi, Marvin Agustin, Danilo Barrios at John Wayne ay nagkaroon ng kani-kanyang kinang hindi na basta mga guwapong artista lang sila ngayon, kundi mga epektibong aktor na.
Pagkatapos nating mapanood ang pelikula ay isang mensahe lang ang maiiwanan sa ating isip, walang kasing halaga ang pamilya, maging matagumpay man tayo sa ibang aspeto ng ating buhay ay balewala pa rin yun, kapag ang pundasyon ng pamilya ay wasak.
Totoong-totoo ang kasabihan na ang sundalo, pagkatapos makipaglaban sa giyera, ay walang ibang pinupuntahan at inuuwian at binabalikan kungdi ang kanyagn pamilya.
May kaunting yabang kang mararamdaman bilang Pilipino sa paglabs mo sa sinehan pagkatapos mong panoorin ang Dekada 70.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended