Off-camera, very cold si Mel Tiangco

Iniidolo ng masa sa larangan ng pagbabalita ang batikang journalist na si Mel Tiangco. Marami na siyang award na tinanggap. Sari-saring puna, papuri, parangal at pagkilala ang mga tinanggap niya buhat sa sari-saring asosasyon, samahan mapa-lokal o abroad kinikilala ang kahusayan ng mamamahayag na ito.

Kulang ang maghapon sa bawat araw kapag hindi napapanood sa GMA-7 ang Saksi gayundin ang malaganap nitong Partners: Mel & Jay.

Tumitimo sa dibdib kapag ipinapaliwanag nito ang kahulugan ng Kapuso sa tuwing mapapanood mo siya. Idagdag pa ang pagkakaroon nito ng bagong programa na parang ala-Charo Santos-Concio ang dating sa Magpakailanman. Talagang madadala ka sa mga pananalita niya.

Guest siya sa S-Files last Sunday kasama ang anak na si Wency Cornejo, dating vocalist ng Afterimage. Nakasalubong ko siya at binati sa newsroom ng GMA-7 nang papalabas na sila patungong S-Files samantalang papasok naman ako sa newsroom para kausapin si Paolo Bediones.

Gusto ko siyang kausapin para sa initial telecast ng Magpakailanman na iprinomote niya sa S-Files. Kaso, very cold siyang makiharap. Naiba ang feelings ko sa kanya. Naisip ko, on-camera lang pala siya friendly. Off-camera, she’s very, very cold.— BAC

Show comments