Lalung nadagdagan ang paghanga ni Oyo Boy sa kapareha ng kanyang daddy sa Lastikman nang makasama niya ito sa pelikula.
"Shes prettier in person," bulalas ni Oyo Boy.
Of course, alam na ni Donita Rose na crush siya ni Oyo Boy at natutuwa ito sa binata ni Vic Sotto. Pero wala na marahil pag-asa si Oyo Boy sa dalaga dahil may Eric Villarama na ito na isang taon na niyang kasintahan.
Samantala, limang buwan nang cool-off ngayon sina Oyo Boy at Anne Curtis at balitang si Lucky Manzano ang pumuporma ngayon sa teener.
"Wala namang problema sa akin. Kung saan siya masaya, okey lang sa akin," say ni Oyo Boy sa presscon ng Lastikman na dinirek ni Tony Y. Reyes for OctoArts and M-Zet Films.
Matagal na ring hiwalay si Vhong sa aktres na si Bianca Lapus kung kanino siya may isang anak na lalaki, si Ice, now four years old.
Ayon kay Vhong, wala umanong problema sa kanila ni Bianca pagdating sa bata. Kapag weekdays, na kay Bianca ang bata at kapag week-ends naman ay nasa kanya.
Sa kabila na hiwalay na sila ni Bianca, napanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan alang-alang na rin sa kanilang anak na si Ice.
Dalawang taon din ang sinayang ni Spencer nang umalis siya sa grupo at bumalik lamang siya nung nakaraang Abril. Aminado siya na apektado ang kanyang career at na-miss niya nang husto ang kanyang trabaho.
December 1999 nang magpakasal si Spencer sa kanyang long-time girlfriend na si Shiela Marie from Bataan at meron na rin silang three-year-old daughter na si Zsa Zsa Renee.
Since pamilyadong tao na rin ngayon si Spencer, kailangan niyang kumayod nang husto. Bukod sa pagsasayaw at acting, nakisosyo siya sa kanyang father-in-law na isang contractor habang ang kanyang wife naman ay isang architect.
Si Spencer ay kabilang ngayon sa mga bituin ng Spirit Warriors.
Ang young actress na ito ay may regular TV sitcom sa isang major TV network.
Pero ang pinanghihinayangan ng iba, mukhang wala siyang magandang future sa kanyang cager-boyfriend na sa pagkakaalam namin ay may iba ring pamilya sa Amerika.
Maganda ang young actress na ito at puwedeng magpaseksi kung nanaisin lamang nito.
Although si Daboy ang kanyang kapareha sa Hula Mo, Huli Ko, kay Mikey Arroyo na katambal naman niya sa pelikulang Todo Na Yan, Kulang Pa Yun siya nali-link ngayon.
"Lalong hindi totoo. Nakakahiya naman sa wife ni Mikey," say pa ni Rufa Mae na nagiging lapitin sa mga nakakapareha niya sa pelikula.
Sabagay, sino nga bang lalaki ang hindi mai-inlab kay Rufa Mae?