Pinaunlakan niya ang aking tanong tungkol sa kapatid niyang si Assunta. "Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya yung dating Assunta na kapatid ko. Naninibago na kami sa kanya. Ayaw na naming maiugnay pa ang pangalan naming mag-ina sa kanya. Para sa amin, hindi na namin siya ka-anu-ano!"
Sa desisyon ni Assunta na biglang lumipat ng ABS-CBN, niliwanag nito na hindi nagpaalam sa GMA-7. "Wala siyang abiso o pasabi man lang na lalayasan nito ang GMA-7. Sinungaling siya kung sinabi niyang nagpaalam siya. Tutal, si Jules lang naman ang pinakikinggan at sinusunod niya bahala na siya sa kanyang sarili."
Samantala, hindi lang pala Bubble Gang ang apektado sa pag-alis ni Assunta. Lahat pala ng commitments nito sa GMA-7 ay wala na rin. Mabuti itong Pira-Pirasong Pangarap ni Manay Gina de Venecia dahil tinapos muna ni Assunta bago siya lumipat. Boni A. Casiano