Mayor Joey, nagseselos kay Rudy Fernandez!

Love pa nga siguro ni Mayor Joey Marquez si Alma Moreno?!

Balitang madalas inaalam ni Mayor Joey ang schedule ni Alma sa mga guesting nito at sinabing okey lang sa kanya na mag-guest ito sa kanyang showbiz-oriented show na S-Files. Pero, ang mas nakakakilig sa lahat ay ang mga bata ang nagiging daan para magkita at magkalapit silang muli.

Ayon kay Ness, iiwas muna siya kay Mayor Marquez dahil trabaho muna ang kanyang aasikasuhin. Pangalawa, ’yung mga bata. Then, saka na lang muna ’yung mga problema sa puso.

"Darating din naman tayo diyan, ang mas mahalaga at importante sa lahat, ’yung unti-unting naaayos na ’yung private life ko."

Aminado si Ness na magpahanggang ngayon kay Rudy Fernandez lang nakakaramdam ng "pagseselos" si Mayor Joey. — BAC

Show comments