Ina ikinasal na
December 10, 2002 | 12:00am
Mukhang nauuso sa taong ito ang kasalan sa showbiz. Ikinasal sina Mikey Arroyo at Angela Montenegro sa Pampanga nung June 24. Nagpakasal din sa simbahan ang mag-asawang Dan Fernandez at Shiela Ysrael after two kids kamakailan lang. Sa araw namang ito (December 10) ikakasal ang young star na si Isabel Granada sa kanyang kasintahan of more than two years na si Geryk Genasky sa Fontana Resort sa Angeles, Pampanga at sa darating na Disyembre 14 ay ikakasal naman sa civil rites ang live-in partners na sina Cong. Jules Ledesma at Assunta de Rossi sa hometown ni Jules sa San Carlos City sa Negros Occidental. Walang kaabug-abog naman na nagpakasal sa simbahan ang singer-actress na si Ina Raymundo sa kanyang Canadian boyfriend na si Bryan Poturnak.
Isang tahimik na kasalan ang naganap kahapon (December 9), 3:30 n.h. sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City sa pagitan nina Ina at Bryan na matagal na ring nagsasama at biniyayaan na ng isang anak na babae. Sa mga tumayong ninong at ninang, tanging sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez lamang ang mga taga-showbiz. Dumalo si FPJ pero si Daboy (Rudy) ay prinoxy ng kanyang panganay na anak na si Rap-Rap dahil may taping ito ng kanyang sitcom na Daboy en da Girl. Ang reception ay ginanap sa Makati Shangri-La.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am