Di rito magpa-Pasko si Ruffa. Aalis siya sa mismong araw ng Pasko (Dis.25) para magtungo ng US para magbakasyon at magpahinga. Sampung araw siyang mawawala. Babalik siya para sa taping ng Habang Kapiling Ka.
"Hirap din kami sa tubig dahil sa ilalim ng bundok kami nag-shooting. Kinailangan na magdala kami ng sari-sarili naming tubig.
"Matagal na akong artista pero, dito, binantayan ko ang mga dialogues ko. Baka kasi lumabas ang pagiging Kapampangan ko. Dapat, wala akong punto," anang aktor.
Maganda siguro kung masasakyan nila sa parada ang galleon na ginamit sa pelikula. Malaki ito, may sukat na 18 metro at may bigat na 15 tonelada. Ang lubid na ginamit dito ay may bigat na dalawang tonelada.
"Nasakyan ito ng mahigit sa 100 katao pero, hindi lang namin pinaandar dahil baka mabuwal. Kapag napanood nyo ito sa pelikula ay makikita nyo ito sa kanyang kabuuan, walang daya, di kala-kalahati," kwento naman ng direktor na si William Mayo.
"Pagkatapos namin itong gamitin ay ginawa naming donasyon sa Subic. Ganundin ang ilang costumes na ginamit namin. Kapalit ito ng libreng pagpapagamit sa amin ng Subic para sa aming shooting," dagdag pa ni Direk William.
Leading lady ni Lito sa Lapu Lapu ang seksing si Joyce Jimenez na gumaganap ng role ng kanyang asawa. Kasama rin sina Roi Vinzon, Vic Vargas, Gloria Sevilla, Isabel Lopez, Jeric Raval, Dante Rivero, Julio Diaz, Boots Bautista, Dinah Dominguez, Bon Vibar, Cloyd Robinson, Mark Lapid, Patrick dela Cruz at Archie Adamos.
"Kinondena na kami ng tao nun ni Zsazsa (Padilla), binabanatan. Maski nga nung nagsisimula na ang Riles ay ayaw pa nilang tumigil. Kaya nga akala ko katapusan na pareho ng aming career. Pero, nagbago pa rin ang ihip ng hangin.Umangat muli ang aking career.
"Ngayon naka-10 taon na kami sa Riles.
"Nung una, hindi pa mag-asawa ang roles namin ni Nova (Villa) na siya ring sumusulat ng script ng show. Gusto ko kasing maiba ang roles namin sa roles naman namin ng nasirang Nida Blanca sa John en Marsha. Pero, later on, naging mag-asawa rin kami. Wala namang tutol ang manonood. Para ngang gusto nila ang nagiging takbo ng buhay namin sa Riles. Dalangin ko na lamang na sana ay magtagal pa ito," ani Dolphy na nasorpresa sa ganda ng special na ginawa ng Dos bilang selebrasyon ng 10th anniversary ng show.