^

PSN Showbiz

Kris pati mata namamaga!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Grabe raw ang allergies ni Kris Aquino ngayon. Pati raw mata, namamaga.

Last week pa raw may sakit si Kris after ng shooting nila sa China for Mano Po.

Pero ayon naman daw sa mga kasama niya sa China, pare-pareho naman daw sila ng kinain doon at iisang hotel ang tinirhan nila kaya imposibleng sa China niya nakuha ang allergy.

For the meantime, let us pray for Kris.
*****
Hindi totoong ni-recall ni MTRCB officer-in-charge Atty. Dennis Manicad ang deputy card na si on-leave MTRCB Chairman Mari-Len Dinglasan ang signatory.

Naka-particular sa isang letter na ang nasabing deputy pass ay valid for one year. At si OIC Manicad was only designated as OIC by President Gloria Arroyo and was not given the power to call a board meeting.

Hindi lang daw nabasa agad ng ibang theater operators na ang memorandum na inilabas ni Atty. Manicad ay subject to monitoring duties of board members and staff kung saan sinasabing ina-advise silang i-admit ang ilang board member and staff and a companion to any and all exhibitions of motion pictures sa mga sinehan in connection with the performance of their monitoring duties under the provisions of Presidential Decree No. 1986 since hindi pa nga sila makapag-issue ng bagong ID.

May ilang deputy card holder kasi ang tinanggihan sa ilang sinehan na agad namang nag-apologize.
*****
Pati pala sa profession nina Dr. Joel Mendez and Dra. Vicky Belo ay grabe ang rivalry. Isang friend kasi ni Dr. Mendez ang nag-mention na twice sanang sabay magi-guest sina Dr. Mendez and Dra. Belo sa dalawang show ng ABS-CBN, Martin Late@Nite and ISYU nina Korina Sanchez and Cito Beltran, pero twice rin daw last minute naka-cancel ang guesting ni Dr. Mendez dahil sinasabi raw ng talent coordinator ng show na isa sa demand ni Dra. Belo ay ayaw niyang kasabay si Dr. Mendez sa mga TV appearances niya. Hindi naman daw na-hurt ang bariatric doctor (Mendez) sa ginagawa ni Dra. Belo. Medyo curious lang daw ito kung bakit ayaw ni Dra. Belo na sabay sila. React tuloy ng isang friend ni Dr. Mendez, baka naman nai-insecure si Dra. Belo?

Actually, napanood ko naman silang sabay na mag-guest sa Morning Girls several months ago at okey naman sila. Kung tutuusin, wala namang competition dahil iba naman ang target market nila. Ang napansin ko lang, parang mas talkative kasi si Dr. Mendez at mas maraming nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpapayat ng hindi kailangang dumaan sa operasyon.
*****
Medyo sumama pala ang loob ni Zsazsa Padilla sa mga lumabas na reviews na nasapawan siya ni Kuh Ledes-ma sa two-night concert nilang Diva 2 Diva sa PICC a week ago. Actually, may karapatang sumama ang loob ng Divine Diva dahil hindi totoo ‘yun. Nanood kasi kami sa first night, Friday. Although hindi namin nasimulan, si Zsa-zsa ang inabutan naming nagpi-perform at talagang sobrang high ang energy niya that night. After Zsazsa, nag-duet sila. So do’n nag-start ang comparison ng boses. Actually, nag-agree kami ng gay friend na kasama ko na pang-recording lang si Kuh, hindi siya puwedeng pang-concert dahil may time na nawawalan siya ng boses. "Wala sa boses ni Zsazsa di ba?" comment uli ng gay friend ko.

Actually, gusto nga niyang mag-boo sa isang song ni Kuh, pero ni-remind ko siya na complimentary ang ticket namin kaya wala siyang karapatang mag-boo.

In any case, I almost forgot na sulatin ang concert na ‘to kaya parang very unfair for Zsazsa na sinasabing mas magaling sa kanya si Kuh.

Sina Kuh and Zsazsa ang producer ng show at dahil sa huge success, plano ng dalawa na i-tour ang Diva 2 Diva not only here kundi ganoon din sa ibang bansa. Mismong si Mang Dolphy ang nag-mention tungkol dito at very happy daw si Zsa-zsa dahil may fear talaga siya (Zsazsa) sa nasabing concert na ni-reveal ni Kuh during the concert.

Sana nga, huwag maapektuhan ang plano nilang mag-tour ng mga intrigang lumalabas dahil sa totality naman, maganda ang concert.

Anyway, busy si Zsa-zsa sa promo ng Home Alone D Riber starring Dolphy, Vandolph, Jolina Magdangal among others under the direction of Eric Quizon for RVQ Productions.
*****
Hanggang ngayon ay nag-iilusyon pa rin pala ang actor na ‘to na makakabalik siya sa mainstream kahit na nga lumipas na ang kanyang panahon. Panay pa rin daw ang pa-press release na isa sa mga araw na ito, magkakaroon na naman daw siya ng show. Hello! Baka naman nahihilo lang ang actor na ‘to na ayon sa isang source ng Baby Talk ay matagal na itong nagkukuwento tungkol sa pagbabalik niya sa TV.

Ang isa pa raw sakit ng actor na ‘to, mahilig siyang mag-pretend na mabait ayon pa sa isang source ng Baby Talk. As if daw sincere siyang tao, pero pag nakatalikod na raw, sobrang sama ng ugali nito.

Beware mga kafatid, baka ma-encounter n’yo ang actor na ‘to na marami nang ginawang masama sa kapwa.

vuukle comment

BABY TALK

BELO

CENTER

DAW

DR. MENDEZ

DRA

KUH

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with