^

PSN Showbiz

Assunta, di pinahalagahan ang GMA 7

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Harangan man ng sibat, tuloy na tuloy na ang kasal nina Isabel Granada at Geryk Genasky sa darating na Sabado, December 14. At sana bago dumating ang araw na ‘yun, magkasundo na si Isabel at ang kanyang inang si Mommy Guapa.

Sana ay ipagkaloob na ni Mommy Guapa ang basbas sa pagpapakasal ng nag-iisa niyang anak.

Naiintindihan ko si Isabel - hangad lang niyang magkaroon na ng sariling pamilya. Tutal naman ay 26 anyos na si Isa, nasa wastong gulang para magbuo ng matatawag niyang sariling pamilya.

Sayang nga lang at hindi ako makakadalo sa nasabing kasalan. Hindi ‘yun dahil sa lumalabas na intriga na kesyo kinalimutan daw ako ni Isabel na kuning ninong. Nahihiya ako sa kanila dahil in fairness naman, matagal na nila akong sinasabihang magiging ninong nila ako. Ang totoong rason ay natapat sa Master Showman at alam n’yo naman na hindi ko basta-basta maiiwan ang aking programa.

Alam na nila na di ako makakadalo. Para makabayad ako, inaanyayahan ko na lang sila sa programa kung makakahabol sila pagkatapos ng kasal.

Hangad ko ang kaligayahan mo Isabel. Dalangin ko na maging masaya at maayos ang pagsasama ninyo ni Geryk.
* * *
Naniniwala ako sa sinasabi ni Bong Revilla na sobrang hirap ang naranasan nila sa shooting ng Agimat ni Lolo na probable entry sa MMFF ng pag-aari nilang Imus Production. Sabi nga ni Bong, hindi biro ang dinanas nilang puyat, pagod at gastos na umabot sa halos P35 million upang mapaganda ang pelikula kung saan kasama niya ang amang si Senator Ramon Revilla at anak na si Jolo.

Pero sabi nga ni Bong, sulit naman ang pagod at gastos nila dahil lumabas na pang-international ang pelikula, di-primera kumbaga.

Siguradong ganito rin ang hirap at pagod na dinanas ng iba pang pelikulang naghahangad na makapasok sa Magic 7 ng MMFF - Fernando Poe, Jr. (Agimat ng Lawin); Dolphy (Home Alone D Riber); Rudy Fernandez (Huli Ko, Hula Mo); Lito Lapid (Lapu-Lapu); Vic Sotto (Lastikman); Streetboys (Spirit Warriors 2) at Vilma Santos (Dekada 70).

Kaya nga pabor ako sa sinasabi ng iba na lahat na lang isama ang siyam na pelikulang naglalaban-laban sa Magic 7 para maging masaya ang lahat. Tutal naman lahat sila ay gumastos para sa kanilang pelikula.

Panalangin ko rin na huwag agad mapirata ang mapipili para naman makabawi sa kanilang capital ang mga producer na gumastos para makagawa ng isang dekalidad na pelikula.
* * *
Kaliwa’t kanan ngayon ang nababasa kong negative write-ups kay Assunta de Rossi dahil sa paglipat niya sa bakuran ng Dos.

Maraming nagtatampo sa mga kasamahan niya sa GMA-7 dahil sa biglaan niyang desisyon. Itinatanong ng marami kung pera na lang ba ang mahalaga kay Assunta. Totoo. Parang hindi man lang niya binilang ang taon na inilagi niya sa bakuran ng Siyete. Hindi man lang siya nagtanong sa mga taong nagmamalasakit sa kanya. Nagsimula pa naman siya sa That’s Entertainment. Itinuring ko siyang anak at wala akong sawa sa pagbibigay ng pangaral at paalala na bago siya mag-desisyon, mag-isip muna siya.

Ang pakiramdam ko tuloy ngayon, nauwi rin pala sa wala ang mga pangaral ko sa kanya.

Kaya hindi ako nagtataka kung maraming masama ang loob sa kanya. Bagama’t wala naman siyang ginawang masama, sinaktan niya naman ang damdamin ng iba.

Ang akin lang, sana naman nakipag-usap siya ng maayos para wala siyang masaktan.
* * *
Matagumpay ang ibinigay na tribute kamakailan sa itinuturing na reyna ng pelikulang Tagalog, si Gloria Romero.

Pero marami ang nakapansin na winalang bahala ang presensya ni Nena Vera-Perez. Maraming nagsasabi na dapat ay kasama si Mama Nena sa presedential table. Pero sa malas, magkasama kami sa mesa du’n sa isang sulok.

Ina na ang turing ni Gloria sa ina ng Sampaguita Pictures na si Nena Vera-Perez na siyang nagbigay ng break para maging isa siyang superstar noong panahon niya.

Sabagay sa rami ng bisita ay hindi ko na napansin si Kumareng Daisy Romaldez na siyang namuno sa nasabing parangal. Pero sana sa susunod, isiping mabuti kung sino ang dapat pahalagahan sa isang parangal na tulad nito dahil bihira lang ang ganitong pagkakataon.

AGIMAT

AKO

LANG

MOMMY GUAPA

NAMAN

NENA VERA-PEREZ

PARA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with