Ngayon ay madalang na lang itong gumawa ng pelikula at karamihan ay pangsuporta na lang ang papel na ginagampanan. Dahil mataba, hindi na pwedeng maging bida. Kapag may taping ito ay kulang o walang pambayad sa taxi. Kaya binobola ang driver at ginagawang pambayad ay hubad niyang larawan.
Ano naman ang wish niya ngayong Pasko? "Siyempre good health at peace for the whole world. Sana mawala na ang corruption, terrorism at maraming problemang nararanasan natin. Siyempre wala na rin akong mahihiling pa sa buhay kundi kasal na lang. Very stable pa rin ang aming relasyon ng aking mahal," anang aktres.
May dream role ka ba? tanong namin sa magandang aktres.
"Gusto ko ang mga movies ni Sharon Cuneta at type kong gampanan yong mga ala-Madrasta ang dating. Gusto ko rin yong mga pelikulang nagawa ni Vilma Santos like Broken Marriage or Relasyon."
Bakit niya naisipang magtatag ng Evolution Music? "I put up this company para ma-recognize ang mga music artist at kaya ko napili si Judith Banal bilang recording artist namin ay dahil hanga ako sa kanyang singing talent at matagal ko na rin siyang kakilala dahil magkakasama kami noon sa banda. She expresses interest for recording in my company kaya kinuha ko siya," paliwanag nito.
"Gusto kong magkaroon ng isang awitin na sisikat at maa-identify ako pero hindi naman ako umaasa nang lubusan," aniya.
"Walang nag-influence sa akin para gayahin ko sila. Nanggaling ako sa musically-inclined family kaya may sarili akong istilo sa pag-awit," dagdag pa nito.
Bukod sa pelikula ay kinuhang new image model ng Herbench ang aktres at ng La Tondeña para sa 2003 calendar nito.
Natural lang na sa pagsikat nito ay masasabak na siya sa intriga. Matunog ang awayan nila ni Maui Taylor dahil pinagbibintangang siya ang nagkalat ng balitang natulog ito kasama ang photographer. Ayon kay Aubrey ay hindi niya ito magagawa kay Maui dahil pareho silang taga-showbiz at magkaibigan pa sila. "Ayaw ko nang may kaaway sa showbiz dahil hindi maganda na nagsisimula pa lang ako ay magkakaroon na ng kontrobersya. Gusto kong magtrabaho para makatulong sa aking pamilya at marami pa akong pangarap sa aking career," sey pa nito.