Ang isa pang nakapagpapanibago sa pelikulang ito ay wala ang grupong nakasanayan na ng mga moviegoers basta FPJ Film Bomber Moran, Paquito Diaz, etc. Maliban kay Romy Diaz na gumaganap ng isang napakahalagang role at si Augusto Victa. Si Ina Raymundo ang kanyang leading lady, sexy na katapat ng kamatsuhan ng hari.
At eto pa ang isang "bago" sa Alamat... May apat na mga bata siyang kasama sa pelikula na mula sa mahigit na tatlong daang aplikante na may kani-kanyang talento, nahugot ang apat na ito Cathy Villar, Kent Kurillo, Ryan Yamasaki at Franklin Cristobal.
May magandang kuwento na tiyak ang appeal sa mga kabataan sa ngayon, ang magagandang tanawin ng walong location places na ang main attraction ng pelkula ay ang hari Fernando Poe, Jr. Ano pa ba ang hahanapin ng manonood ng festival movies? (Ulat Ni Mimi Citco)