Oyo Boy, di close sa ibang anak ni Vic
December 4, 2002 | 12:00am
Umalis nung nakaraang Lunes (Dec. 2) ng umaga patungong Tokyo, Japan ang presidential son at vice-governor ng Pampanga na si Mikey Arroyo kasama si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa four-day State visit nito sa nasabing bansa.
Bilang kinatawan ng Pampanga, gustong hikayatin ni Mikey ang mga Japanese businessmen na mag-invest sa kanilang lugar.
Bago umalis, pinabinyagan muna ni Mikey ang first-born nila ni Angela Montenegro-Arroyo, si Mikaela Gloria na ginanap sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, nung nakaraang Sabado (Nov. 30) sa ganap na ika-3:00 ng hapon. Ang reception naman ay ginanap sa garden ng Malacañang Palace na nagsimula ng 4:00 p.m.
Although taga-showbiz si Mikey, tanging si Vincent del Rosario (ng Viva) lamang ang taga-showbiz na kasama sa mga principal sponsors.
Tanging members of the family ng mga Arroyo at Montenegro, malalapit na kamag-anak at mga kaibigan lamang ang naimbitahan sa nasabing pagtitipon na napaka-intimate.
Samantala, nag-last shooting day na last Wednesday (Nov. 27) ang unang pelikula ni Mikey sa bakuran ng Viva Films, ang AB Normal College (Mga Di Karapatdapat) na tinatampukan din nina Andrew E., Rufa Mae Quinto, Patricia Javier, Ogie Alcasid, Salbakuta, Jen Rosendahl at iba pa mula sa direksyon ni Al Tantay. Pagkatapos ng shooting, niyaya ni Mikey ang bumubuo ng production staff and crew sa Malacañang kung saan sila nagkaroon ng munting salu-salo.
Hindi pa man naipapalabas ang AB Normal College which has a January release, malamang na simulan na niya ang kanyang second movie project sa nasabing kumpanya. Ang Masamang Ugat na pagsasamahan nila nina Ace Vergel at Victor Neri at ididirek ni Willy Milan (na siya ring tumatayong business manager ni Mikey).
Ang seksing si Aubrey Miles ang special guest ng Daboy en da Girl this coming Thursday (Dec. 5) at 9:00 p.m. na tinatampukan nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno.
Ang Daboy en Da Girl ay isa sa mga sinusubaybayang sitcoms ng GMA-7.
Speaking of Daboy at Ness, pilit na ginagawan ng intriga ang pagpasok ng huli sa programa nina Daboy at Osang dahil may nakaraan sina Daboy at Ness at ebidensiya rito ang anak nilang si Mark Anthony Fernandez. Ayon kay Ness, walang dapat ika-insecure si LT (misis ni Daboy) dahil bukod sa kaibigan niya ito, maganda ang samahan nila ni Daboy dahil nga sa kanilang anak na si Mark. Pero liban dun, wala na.
Natupad na rin sa wakas ng MTV-Asia VJ na si Donita Rose ang matagal na niyang pangarap, ang magkaroon ng sarili niyang MTV na siya rin mismo ang kumakanta.
Aminado si Donita na frustration niya ang pagkanta kaya nang malaman niyang singer ang role niya sa pelikulang Lastikman na pinagtatambalan nila ni Vic Sotto, hindi umano siya nag-atubili na tanggapin ang alok. Ang maganda pa rito, ginawan siya ng sarili niyang MTV na siya mismo ang kumakanta. She recorded the song "Fallin in Love" na magkatulong na kinompos nina Wowie Posadas at Melissa Fontano. Si Wowie din ang nag-arrange ng kantang inawit ni Donita. Si Jan Ilacad naman ang nag-compose at nag-arrange ng Lastikman theme which was recorded by Kalahi.
Kapag pinalad na makapasok sa magic 7 ng MMFF ang Lastikman, hindi na makakapag-participate si Donita sa Parada ng mga Artista on December 24 dahil nakatakda siyang umalis patungong San Francisco, California para doon mag-spend ng Christmas at New York sa piling ng kanyang pamilya at boyfriend na si Eric Villarama.
Like father like son nga ba si Oyo Boy sa kanyang amang TV host-comedian na si Vic Sotto?
"In a way," aniya. "May mga mannerisms ako na tulad ng sa daddy ko tulad yung pagkagat ng labi at yung pagiging tahimik lang," pahayag niya sa presscon ng Lastikman.
Oyo Boy who is Vittorio Mari sa tunay na buhay ay magna-nineteen na sa January 12. Two years old naman siya nang maghiwalay ang kanyang parents.
Ayon kay Oyo Boy, nung maliit pa siya ay marami umano siyang tanong kung bakit hindi nila kasama ang kanilang ama. Hindi rin umano sila close ng daddy niya. Nagsimula lamang umano siyang maging close dito nung 16 na siya at simula nun, super na ang kanilang bonding. Sa kanyang dad siya nakatira dahil sa Parañaque siya nag-aaral. (Marymount School) at sa Ayala Alabang naman nakatira ang daddy niya. Tuwing week-ends naman ay nasa kanyang mommy siya.
Inamin sa amin ni Oyo Boy na hindi umano siya gaanong close sa dalawa niyang half-siblings na sina Vico (by Connie Reyes) at Paulina (by Angela Luz).
Email:[email protected]
Bilang kinatawan ng Pampanga, gustong hikayatin ni Mikey ang mga Japanese businessmen na mag-invest sa kanilang lugar.
Bago umalis, pinabinyagan muna ni Mikey ang first-born nila ni Angela Montenegro-Arroyo, si Mikaela Gloria na ginanap sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, nung nakaraang Sabado (Nov. 30) sa ganap na ika-3:00 ng hapon. Ang reception naman ay ginanap sa garden ng Malacañang Palace na nagsimula ng 4:00 p.m.
Although taga-showbiz si Mikey, tanging si Vincent del Rosario (ng Viva) lamang ang taga-showbiz na kasama sa mga principal sponsors.
Tanging members of the family ng mga Arroyo at Montenegro, malalapit na kamag-anak at mga kaibigan lamang ang naimbitahan sa nasabing pagtitipon na napaka-intimate.
Samantala, nag-last shooting day na last Wednesday (Nov. 27) ang unang pelikula ni Mikey sa bakuran ng Viva Films, ang AB Normal College (Mga Di Karapatdapat) na tinatampukan din nina Andrew E., Rufa Mae Quinto, Patricia Javier, Ogie Alcasid, Salbakuta, Jen Rosendahl at iba pa mula sa direksyon ni Al Tantay. Pagkatapos ng shooting, niyaya ni Mikey ang bumubuo ng production staff and crew sa Malacañang kung saan sila nagkaroon ng munting salu-salo.
Hindi pa man naipapalabas ang AB Normal College which has a January release, malamang na simulan na niya ang kanyang second movie project sa nasabing kumpanya. Ang Masamang Ugat na pagsasamahan nila nina Ace Vergel at Victor Neri at ididirek ni Willy Milan (na siya ring tumatayong business manager ni Mikey).
Ang Daboy en Da Girl ay isa sa mga sinusubaybayang sitcoms ng GMA-7.
Speaking of Daboy at Ness, pilit na ginagawan ng intriga ang pagpasok ng huli sa programa nina Daboy at Osang dahil may nakaraan sina Daboy at Ness at ebidensiya rito ang anak nilang si Mark Anthony Fernandez. Ayon kay Ness, walang dapat ika-insecure si LT (misis ni Daboy) dahil bukod sa kaibigan niya ito, maganda ang samahan nila ni Daboy dahil nga sa kanilang anak na si Mark. Pero liban dun, wala na.
Aminado si Donita na frustration niya ang pagkanta kaya nang malaman niyang singer ang role niya sa pelikulang Lastikman na pinagtatambalan nila ni Vic Sotto, hindi umano siya nag-atubili na tanggapin ang alok. Ang maganda pa rito, ginawan siya ng sarili niyang MTV na siya mismo ang kumakanta. She recorded the song "Fallin in Love" na magkatulong na kinompos nina Wowie Posadas at Melissa Fontano. Si Wowie din ang nag-arrange ng kantang inawit ni Donita. Si Jan Ilacad naman ang nag-compose at nag-arrange ng Lastikman theme which was recorded by Kalahi.
Kapag pinalad na makapasok sa magic 7 ng MMFF ang Lastikman, hindi na makakapag-participate si Donita sa Parada ng mga Artista on December 24 dahil nakatakda siyang umalis patungong San Francisco, California para doon mag-spend ng Christmas at New York sa piling ng kanyang pamilya at boyfriend na si Eric Villarama.
"In a way," aniya. "May mga mannerisms ako na tulad ng sa daddy ko tulad yung pagkagat ng labi at yung pagiging tahimik lang," pahayag niya sa presscon ng Lastikman.
Oyo Boy who is Vittorio Mari sa tunay na buhay ay magna-nineteen na sa January 12. Two years old naman siya nang maghiwalay ang kanyang parents.
Ayon kay Oyo Boy, nung maliit pa siya ay marami umano siyang tanong kung bakit hindi nila kasama ang kanilang ama. Hindi rin umano sila close ng daddy niya. Nagsimula lamang umano siyang maging close dito nung 16 na siya at simula nun, super na ang kanilang bonding. Sa kanyang dad siya nakatira dahil sa Parañaque siya nag-aaral. (Marymount School) at sa Ayala Alabang naman nakatira ang daddy niya. Tuwing week-ends naman ay nasa kanyang mommy siya.
Inamin sa amin ni Oyo Boy na hindi umano siya gaanong close sa dalawa niyang half-siblings na sina Vico (by Connie Reyes) at Paulina (by Angela Luz).
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended