Ayon kay Yvette Pabalan, naiisip nito ang kanyang maagang namayapang ama. Dapat sanay mayroon siyang tatay na puwede niyang paglambingan at pagsumbungan. Kaya nga tanong nito, Bakit Papa? ang aga mong nawala.
Para kina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Monique Icban at Izzy Trazona ay sina Joey de Leon at Vic Sotto ang kanilang naiisip. Ang dalawang ito ang kanilang gustong pasalamatan sa kasikatang kanilang tinatamasa ngayon. Hanggang maaari ay gagawin nilang malinis ang kanilang imahe para di sila makapagdulot ng kahihiyan sa mga taong naghirap sa kanila para maabot nila ngayon ang kanilang kinalalagyan sa showbiz entertainment. Alex Datu