Rufa Mae, naaksidente!

Hindi isang eksena lamang sa pelikula ang nakunang larawan. Naaksidente si Rufa Mae Quinto sa isang fight scene sa Daboy en Da Girl na ginanap sa Star City.

Natabig siya ng kaeksena at na-out of balance. Bumalandra siya sa tren at tumama ang ulo niya rito.

Nagkaroon siya ng malaking bukol at pasa sa kaliwang braso. Makikita sa larawan na binibigyan siya ng first aid ni Rudy Fernandez.

Pansamantalang natigil ng mahabang oras ang taping ng role ni Rufa Mae na guest bilang isang manghuhula.

Ang tema ng drama ay kaugnay sa pino-promote na pelikula nila ni Daboy, ang Huli Ko, Hula Mo ng Reflection Films, isa sa mga kalahok sa MMFF na gaganapin sa Pasko. – Luz Candaba

Show comments