FPJ may project with Jolina

Siyam na pelikula na lamang ang pagpipilian sa pitong slot bilang official entries ng MMFF na magsisimula sa Disyembre 25, 2002 at magtatapos sa Enero 3, 2003. Ang mga pelikulang ito ay ang sumusunod: Ang Alamat ng Lawin, Mano Po, Spirit Warriors, Dekada ’70, Lastikman, Hula Mo, Huli Ko, Lapu-Lapu, Home Along Da Riber at ang Agimat (Anting-Anting ni Lolo). Kung tutuusin, walang itulak kabigin sa siyam na probable entries na pare-parehong may karapatang pumasok sa MMFF pero ang problema, pito lamang dito ang kailangang pumasok na malalaman sa December 9.

Ang nakakatuwa, pawang malalaking pelikula ang maglalaban-laban at ang mga ito ay sina FPJ, Vilma Santos, Dolphy, Bong Revilla, Rudy Fernandez, Vic Sotto, Lito Lapid, Maricel Soriano at iba pa.
* * *
Tapos na tapos na ang Ang Alamat ng Lawin na pinagbibidahan ni Fernando Poe, Jr. na siya ring nagdirek ng pelikula under his own film outfit, ang FPJ Productions using his pseudonym Ronwaldo Reyes.

In terms of story and production values, masasabing mas malaki ang pelikulang Ang Alamat ng Lawin. Sa special effects alone ay malaki ang inabot ng pelikula na tatlong buwang nag-shoot sa maraming lugar. Dito ay kapareha ni Da King si Ina Raymundo kasama ang mga batang sina Cathy Villar, Khen Kurillo, Ryan Yamazaki at Franklin Cristobal.

Tulad ng Panday movie kung saan gamit-gamit ni FPJ ang classic niyang espada, espada rin ang armas ni Da King bilang panangga laban sa masasamang elemento sa pelikulang ito.

Nasa kalagitnaan ngayon si FPJ sa post-prod ng pelikula at sa pagpasok ng bagong taon, sisimulan naman niya ang bagong pelikulang pagsasamahan nila ng billiard king na si Efren ‘Bata’ Reyes na ipu-produce rin ng FPJ Productions. Hindi lamang namin na-clarify sa kanya kung sa pelikulang ito makakasama si Jolina Magdangal dahil nabanggit din ng action king na may binubuo umano siyang project kasama ang batang singer-actress.

Samantala, naikuwento sa amin ng ating kasamahan at kaibigang si Ronald Constantino (ng Tempo), publicist ng magkahiwalay na pelikula nina FPJ at Rudy Fernandez na naunahan pa umano siya ni Da King sa pagdating sa Acacia kung saan ginanap ang presscon simula alas-4 ng hapon hanggang gabi. Since 4:00 p.m. ang call-time. Minabuti umano niyang dumating ng thirty minutes earlier. Pero laking gulat niya nang datnan niya roon si FPJ. Ganun ka-prompt sa oras ang action king at ikaw na mismo ang mahihiya kapag naunahan ka niya ng dating.

Bakit nga ba Ronwaldo Reyes ang ginagamit na pangalan ni Da King kapag siya ang director ng kanyang pelikula?

Ang Ron ay sa palayaw niyang Ron, ang Waldo ay nagmula sa pangalan ni Manay Ethel Ramos na Ethelwolda (na naging waldo) na isang malapit na kaibigan at ang Reyes naman ay mula sa apelyido ng isa sa kanyang mga paboritong director, ang yumaong si Efren Reyes, Sr.

Tiyak na sasakay ito sa karosa sa Parada ng mga Artista na mangyayari sa Cebu, Davao at sa Maynila bago magsimula ang film festival on December 25.
* * *
Sa totoo lang, hindi na nagdalawang-isip pa si Donita Rose nang ialok sa kanya ang proyektong Lastikman bilang kapareha ni Vic Sotto na pinamahalaan ni Tony Reyes for OctoArts at M-Zet Films.

Matagal nang magkaibigan sina Vic at Donita dahil madalas na maging guest co-host si Donita ng Eat Bulaga.

"Kung ano si Vic sa Eat Bulaga ay ganundin siya sa pelikula kaya ang saya-saya namin habang ginagawa namin ang movie. May time pa nga na kahit tapos na ang eksena ko ay nagi-stay pa ako dahil masaya kami sa set," kuwento ng sikat na MTV-Asia VJ.
* * *
Email: <a_amoyo@pimsi.net>

Show comments