Naghahanap ito ng mga talent mostly mga guwapong lalaki na malakas ang appeal. Papangakuan niya ng kung anu-ano gaya ng gagawing artista at pasisikatin sila. Habang naghihintay ng break (kung mayroon man) ay pinagsasayaw niya ang mga ito sa club nang hindi yata nababayaran ayon sa aking source. Siyempre nakikisama sila (mga baguhan) dahil sa pangako ng manager na pasisikatin silang artista.
Pero napako na ang pangako at nagrereklamo na ang mga macho dancer na hanggang pagsasayaw na lang sa club ang naging trabaho.
Sa pakikipagtulungan ng MPDAP at Scenema Concept International ay nagkaroon ng seminar na may temang "The Dawn of Filipino Digital Revolution is Here." Makabuluhan ang mga paksang tinalakay. Naging guest speaker nila ay galing ng Sony Hongkong na si Bentley Young. Ipinaliwanag nito ang tungkol sa HD Camera at itinuro ang mga nagagawa nito gaya ng integrated circuit technology na ini-improve ang picture quality at functionality. "The cameras 24-frame progressive capability converges digital and film imaging, thereby offering enough creative flexibility for either television production or full-scale movie making," anang speaker.
Nabigyan ng pagkakataon ang mga dumalong taga-pelikula na maranasan ang magnificent digital advantage ng Scenema Concept Internationals cutting edge HD (High Definition) facilities.
Bagamat maraming natutunan ang mga participants ay nakakapanghinayang na wala roon ang malalaking prodyuser na imbitado kaya awang-awa kami sa coordinator na si John Suarez na tensyonado na dahil ang mga hinihintay na panauhin na siya pa namang nag-propose ng magiging tema ng seminar ay di dumating. Kasama sa mga dumating sina Brenda Bayhon at Marivic Ong ng Viva Films, Mila Pascual ng El Niño Films, Atty. Rod at Alice Poltan ng Alyssa Films, kinatawan mula sa Star Cinema at K-Productions, Maan Arriola at ang inyong lingkod ng Solar Films and Entertainment.
Nasaan ang ibang mga board members ng MPDAP na prodyuser ng malalaking kompanya? Kung di man sila nakarating ay nagpadala sana sila ng kinatawan lalo na ng mga cameramen.
Malaking paghahanda ang ginawa ng MPDAP at Scenema Concept International pero hindi nabigyan ng halaga ng ilang malalaking prodyuser.
Nagpaplano na ring magpakasal sina Bryan at Ina kung saan sinabing hindi na kailangang maging grande ito. Gusto nitong magkaroon ng simpleng kasalan na idaraos lang sa hotel o garden wedding.
Unang nagkatambal ang magandang aktres at si Ronnie sa Eseng ng Tondo noong 1997.
Mayroon na siyang bar, ang Klownz na malapit na niyang ilipat somewhere in Quezon Ave.
Ngayon balik-pelikula si Jestoni via Tomagan ng Jordan Films kung saan gagampanan niya ang tunay na buhay ni Col. Romeo Maganto.
Matagal ng pangarap ng aktor na makagawa ng ganitong klase ng pelikula. Personal choice ni Maganto si Jes at lagi itong nakabantay sa set para maging makatotohanan ang pagganap nito bilang police officer.
Tiniyak nito na ang mapapanood sa pelikula ay akma sa tunay na kasaysayan ng buhay ni Maganto. Katambal ni Jes si ChinChin Gutierrez.