Babaguhin muli ng GMA ang takbo ng telebisyon sa kanilang bagong programang Magpakailanman.
Ang Magpakailanman ay isang inspirational family drama kung saan ikukuwento sa inyo ni Tita Mel Tiangco ang mga nakakatuwa o nakakaantig-pusong "true-to-life" stories tulad ng mga kwento nina Wayda Cosme at Didith Reyes. Si Wayda ay isang Aeta na para na ring dumaan sa butas ng karayom para lang makapagtapos ng Law. Si Didith naman na kilala dahil sa kanyang kantang "Bakit Ako Mahihiya" matapos ang ilang dekada, ngayoy naghihirap at nag-iisa matapos siyang itakwil ng kanyang pamilya. Ngunit sa isang pangyayari ay nagbago ang kanyang pananaw sa buhay. Tunghayan ang kanyang kuwento ng pagmamahal at pagpapatawad. Sina Jolina Magdangal at Ara Mina ang mga sikat na artistang gaganap bilang Wayda Cosme at Didith Reyes.
Saksihan natin kung paano nila nilampasan ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Magpakailanman, handog ng inyong kapusong si Tita Mel, tuwing Lunes alas-9:00 n.g., simula sa ikalawa ng Disyembre sa GMA.