^

PSN Showbiz

United Hiphop for a cause sa Cavite

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Magkakasama ang mga pinakasikat na hip hop groups sa ating bansa para sa fund-raising sa benepisyo ng Bacoor Peace & Order and Anti-Drug Council. Isang malaking live concert ang itatanghal sa Cavite Coliseum sa Disyembre 14, 7 p.m.

Tampok sa nasabing benefit show ang 12 hiphop acts: Salbakuta, Legit Misfitz, Sun Valley Crew, Death Threat with Ely Buendia, Seven Shots of Wisdom, Trilogy, BB Clan, Cruzzada, Nasty Mac, DOCoy, El Latino at Battle Crew.

Minsan lang mangyari ito, kaya’t tinatawagan namin ang buong hiphop community sa Metro Manila, at pati na ang mga nasa ibang probinsya. Magplano na agad kayo para makapanuod ng big happening na ito na once in a blue moon lang mangyari. Madali lang naman magpunta sa Cavite Coliseum na nasa Aguinaldo Highway, Bacoor, Cavite.

Nadaraanan ito ng bus at jeepney kaya’t hindi kayo maliligaw.

Ang Disco Mix Club (DMC) Philippines ang nakipag-ugnayan sa pamahalaang bayan ng Bacoor para maitanghal ang United Hiphop for a Cause. Siyempre, kasama sa show ang mga pinakabatikang DMC All Star DJs na sina DJ M.O.D., DJ Sir Scratch at DJ Ryu.

Bukod sa tugtugan at kantahan, meron pang mga tattoo at fortune telling booth, at mga fastfood stalls na inihanda para sa mga pupunta sa show.

Dahil feeling generous talaga ang pasimuno ng United Hiphop for a Cause na si Jesse Gonzales na presidente ng DMC Philippines, may mga surprise gifts and prizes para sa mga masuwerteng manonood.

Para sa dagdag na mga information, makinig sa mga FM stations na Power 108, Magic 89.9, Monster Radio RX 93.1, 96.3 WROCK, 99.5 DWRT, 101.9 DWRR at 102.7 Star FM.
* * *
Mahigit na isang dekada ng namamayagpag bilang isang leading DJ si Jonatah Alca, a.k.a. DJ Sir Scratch. Kahit sinong hiphop citizen kilala siya.

Ilang beses na siyang naging national champion sa DMC DJ Championships at ang latest ay nitong 2002. Kaya naman naging kinatawan siya ng ating bansa sa World DJ Competition Finals na ginaganap sa London, England.

Nagsimula ang katanyagan ni DJ Sir Scratch sa Spirits ng Baguio City noong 1990. Halos lahat ng mga sikat na dance venues ay nalibot na niya–Equinox, Danz Cafe, Heartbeat Megadisco, Kiss Club, Zesty Dance Bar at Mazzo Dance Bar.

Noong taong 2000 ay nasa Swiss Grand Hotel naman siya sa South Korea. Umuwi siya sa ating bansa this year at sumali ulit siya sa contest ng DMC at muli siyang tinanghal na grand champion.

Si DJ Sir Scratch ay topbilled sa United Hiphop For A Cause sa Disyembre 14 (Sabado), sa Cavite Coliseum.
* * *
Ilang ulit na rin akong naka-attend ng mga hiphop happenings, kaya’t alam kong kapag may mga ganitong okasyon, laging well attended.

Kahit malayo o sabihin pang out-of-the-way ang venue, napupuno. Lahat kasi ng mga mamamayang hiphop ay tinatangkilik ang kanilang sariling subculture. Kung sa Parañaque ang show, kahit mga taga-Novaliches, Fairview o sa Bulacan man, nandoon sila.

Minsan ngang sumama ako sa Southeast Asia promo tour ng Masta Plann, laging umaapaw sa mga hip-hoppers ang kanilang mga show. Siyempre kahit sa Indonesia, Malaysia o Singapore man pare-pareho ang mga tumatangkilik sa rap music.

Ang gusto nila ay ang invigorating beat at may kaprangkahan at sincerity ang sinasabi.

Minsan nga noong nag-launch ng album ang Trilogy at BB Clan, kahit super lakas ng ulan, puno ang venue. Patunay lamang ng loyalty ng mga hip-hoppers sa kanilang musikang kinalulugdan.

AGUINALDO HIGHWAY

ALL STAR

BACOOR

CAVITE COLISEUM

HIPHOP

MINSAN

SIR SCRATCH

UNITED HIPHOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with