Seksing manananggal pala ang role nito sa naturang pelikula. Walong oras inilalagay ang prosthetics nito at umabot ng limang araw ang shooting. No acting required sa role niya bilang manananggal.
"Para na ngang masisira ang ulo ko sa dami ng pinagkakaabalahan ko. Yung taping ng Sa Dulo ng Walang Hanggan na baka matapos na sa Enero 2003.
Kinulit-kulit muli namin siya kung wala pa ba siyang balak mag-asawa.
"Mas nagi-enjoy ako ngayon na ganito ang kalagayan ko. Takot ako sa marriage. Since, nanonood ako ng mga show ni Julie Yap Daza parang ewan ko, basta si Tita Julie yata ang naka-influence sa akin na matakot sa marriage."
Naudlot ang panayam namin kay Mylene dahil gutom na raw siya at gusto na niya ring umalis para sa pagiging presentor niya sa Rock Music Awards. (Ulat ni Boni Casiano)