Gf ni Aljo nakakasira sa kanyang career dahil sa sobrang selosa
November 28, 2002 | 12:00am
Isang young star na lumikha ngayon ng ingay ay si Aiza Marquez. Kami man ay pinahanga ni Aiza sa mga recent exposure niya sa ibat ibang TV programs ng ABS-CBN. We found out na pumirma na pala ng kontrata ang magandang teen actress sa ABS-CBN Talent Center. But prior to her signing up with Talent Center ay si Roxy Liquigan (Star Cinema ADProm Manager) ang nangangalaga ng kanyang career. Isa rin si Erick Salud sa mga tumulong kay Aiza na makapasok sa ABS-CBN. Ngayon ay si Johnny Manahan na ang personal na tututok sa career ni Aiza.
Hindi namin makakalimutan ang performance ni Aiza sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan gumanap siyang leukemia victim na later on ay namatay din. Kahit nga sa episode ng Star Studio last Sunday ay humanga kami kay Aiza. Sila ni Baron Geisler ang bida sa said episode.
With Aiza now part of Talent Center stable of stars, sigurado na maaalagaan ang kanyang mga exposures. Heard na may isang bagong show kung saan isa si Aiza sa bida. Masusing pinipili ngayon kung sino ang akmang maging ka-loveteam ni Aiza.
Nagkakaproblema pala ngayon si Aljo Bendijo, ang sinasabing pinakaguwapong newscaster ngayon sa telebisyon sa girlfriend nitong si Gerlie Balaba, isa ring newscaster ng ABS-CBN sa Davao. Ayon sa isang malapit kay Aljo, sumusobra ang pagiging selosa ni Gerlie na hindi nagugustuhan ni Aljo.
"Its normal! Kasi malayo sila sa isat isa," sabi ng aming kausap. "Ang hindi lang gusto ni Aljo is yung pagiging overly jealous ni Gerlie. Naaapektuhan na ang trabaho ni Aljo. Minsan, bigla na lang itong susugod sa ABS-CBN for no reason at all."
Kapag nagtuluy-tuloy si Gerlie sa pagiging overly selosa niya, hindi imposibleng magdalawang isip si Aljo na tapusin na ang kanilang relasyon.
"Aljo has big dreams. Kaya big break sa kanya ang pagkaka-include niya sa roster of broadcasters ng ABS-CBN. Pero kung sisirain ni Gerlie ang magandang career ni Aljo, hindi malayong matapos na ang relasyon nila. Konting pang-unawa lang sana," pahayag pa ng kausap namin.
Hindi namin masisisi si Gerlie sa pagiging selosa nito. Aba, magkaroon ka ba naman ng boyfriend na sing-guwapo at sing bait ni Aljo, talagang feeling mo, marami kang kaagaw. Heard na pinaplano na nina Aljo at Gerlie ang kanilang pagpapakasal. Pero sa pinagdadaanan nilang problema, matuloy pa kaya ito?
Speaking of Aljo, isa ito sa masasabing pinakaswerte sa hanay ng mga broadcaster sa news and current affairs ng ABS-CBN. Imagine, tatlo ang shows niya ngayon. He has TV Patrol, Sapul Ka Dyan (Mga Totoong Bidyo) at Magandang Gabi Bayan.
Mutually-agreed pala ang ABS-CBN at si Vilma Santos na sa January na lang gawin ang musical special na dapat sana ay ngayong December. Ayon sa source namin, pinagaganda nang husto ang nasabing special kaya kailangan pa ng mas dagdag na panahon. Sa side naman ni Ate Vi, gusto rin nitong makapag-concentrate sa promotions ng Dekada 70 na follow up movie niya after Anak.
Excited na si Vilma sa promotions ng movie. Inilahad na sa kanya ang mga magaganap in line with the movies promo. This will signal again Vis supremacy in Philippine movies. In fact, this early ay marami na ang pumupusta na sigurado na si Vilma sa Best Actress Award (kung palaring makapasok ang movie sa Magic 7). Pawang mga male superstars ang bida sa walong entries na pagpipilian.
With 9 fielded entries, lyamado ang movie ni Vilma dahil sa ganda nito. Added the fact na si Chito Roño ang direktor nito na direktor niya sa Bata, Bata Paano Ka Ginawa? na nagbigay sa kanya ng ikalawa niyang grand slam victory.
Hindi namin makakalimutan ang performance ni Aiza sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan gumanap siyang leukemia victim na later on ay namatay din. Kahit nga sa episode ng Star Studio last Sunday ay humanga kami kay Aiza. Sila ni Baron Geisler ang bida sa said episode.
With Aiza now part of Talent Center stable of stars, sigurado na maaalagaan ang kanyang mga exposures. Heard na may isang bagong show kung saan isa si Aiza sa bida. Masusing pinipili ngayon kung sino ang akmang maging ka-loveteam ni Aiza.
"Its normal! Kasi malayo sila sa isat isa," sabi ng aming kausap. "Ang hindi lang gusto ni Aljo is yung pagiging overly jealous ni Gerlie. Naaapektuhan na ang trabaho ni Aljo. Minsan, bigla na lang itong susugod sa ABS-CBN for no reason at all."
Kapag nagtuluy-tuloy si Gerlie sa pagiging overly selosa niya, hindi imposibleng magdalawang isip si Aljo na tapusin na ang kanilang relasyon.
"Aljo has big dreams. Kaya big break sa kanya ang pagkaka-include niya sa roster of broadcasters ng ABS-CBN. Pero kung sisirain ni Gerlie ang magandang career ni Aljo, hindi malayong matapos na ang relasyon nila. Konting pang-unawa lang sana," pahayag pa ng kausap namin.
Hindi namin masisisi si Gerlie sa pagiging selosa nito. Aba, magkaroon ka ba naman ng boyfriend na sing-guwapo at sing bait ni Aljo, talagang feeling mo, marami kang kaagaw. Heard na pinaplano na nina Aljo at Gerlie ang kanilang pagpapakasal. Pero sa pinagdadaanan nilang problema, matuloy pa kaya ito?
Speaking of Aljo, isa ito sa masasabing pinakaswerte sa hanay ng mga broadcaster sa news and current affairs ng ABS-CBN. Imagine, tatlo ang shows niya ngayon. He has TV Patrol, Sapul Ka Dyan (Mga Totoong Bidyo) at Magandang Gabi Bayan.
Excited na si Vilma sa promotions ng movie. Inilahad na sa kanya ang mga magaganap in line with the movies promo. This will signal again Vis supremacy in Philippine movies. In fact, this early ay marami na ang pumupusta na sigurado na si Vilma sa Best Actress Award (kung palaring makapasok ang movie sa Magic 7). Pawang mga male superstars ang bida sa walong entries na pagpipilian.
With 9 fielded entries, lyamado ang movie ni Vilma dahil sa ganda nito. Added the fact na si Chito Roño ang direktor nito na direktor niya sa Bata, Bata Paano Ka Ginawa? na nagbigay sa kanya ng ikalawa niyang grand slam victory.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended