Huling bold ni Assunta

Sa kabila ng pagsasabi ni Assunta de Rossi na kahuli-hulihan na niyang bold movie ang Bahid, ginawa ng ng Regal Entertainment ang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan na isang makabuluhang pelikula na matagal bago makalimutan ng mga manonood. Lahat ng mga aktres na nakilala sa ganitong uri ng pelikula ay may mga classics na magpapagunita sa mga manonood ng kanilang pangalan, si Rosanna Roces sa Curacha, Ara Mina, Laro sa Baga, at ngayon si Assunta sa Bahid.

Kasama ni Assunta sa mammoth sex drama sina Eddie Garcia na bumalik sa role na unang nagpasikat sa kanya, ang pagiging anti-hero;’ sina Dina Bonnevie at Diether Ocampo.

"She surpasses herself in Hubog," ani Joel Lamangan. "Ginagampanan niya ang isang multi-layer role at nagampanan niya ito ng buong husay. Parang sinadya niya na pagandahin ang kanyang portrayal para hindi ito madaling makalimutan."

"I’m saying goodbye to bold movies in the best way I know. Parang ginawa ko na sa Bahid ang pinakamaganda at pinakamagaling na magagawa ko. Gagawa pa rin ako ng pelikula pero, di na bold. Huli ko na ang Bahid. Kaya ginawa ko na itong pinaka-bold na performance ko," ani Assunta.

Show comments