Anyway, very proud si Bong sa Ang Agimat (Anting-Anting ni Lolo) kahit na nga nag-exceed na sila sa original budget na P25 million. As of now, nakaka-P35 million na sila, hindi pa tapos ang post-production kaya malamang na umabot pa ng hanggang P40 million. "Malaki ang plano namin sa pelikulang ito. Ida-dub namin in English, German among others. From the start, yun na talaga ang plano namin, i-release sa international market.
"Malaki kasi ang chance dahil ibang-iba to sa mga naunang Agimat, mas bago ang ginamit na-ming teknolohiya," paliwanag ni Bong after the presscon last Wednesday night sa Anabels restaurant.
Sa Australia pa raw sila nagpa-process ng special effects. "Mahaba-haba ang special effects, aabot ng 10 minutes. Usually, sa Tagalog movies, hanggang 5 minutes lang," he added.
Kahit ang post production, sa Australia na rin gagawin. Maging ang music ay sensurround na nagpalaki ng budget nila. "Nong una, hindi ko ini-expect na magiging ganito kalaki ang pelikulang to. Sabi namin, hanggang P25 million ang puwedeng gastusin. Pero hindi puwedeng tipirin dahil sayang naman.
"Very confident kami na papasukin ito ng tao dahil hindi lang ito pambata, para na rin sa medyo may edad na," he added.
"Talagang makikita mo rito ang kakaibang quality ng pelikula at sasabihin nilang kaya na pala nating gumawa ng ganitong klase."
Si Peque Gallaga ang sumulat ng script sa direction ni Augusto Salvador. Actually, maraming director ang nagtulong-tulong para gawin ang Ang Agimat kung saan feature ang tatlong generation ng mga Revilla - Senator Revilla, Bong and Jolo.
Anyway, dahil sa laki ng gastos, ngayon pa lang ay nagbigay na ng warning si Bong sa sinumang mamimirata ng mga kasaling pelikula sa MMFF, na oras na mahuli niyang may mga pirated copies lalo na ang Ang Agimat, sisiguruhin niyang makukulong ang mga ito. "Hindi ko ma-imagine kung anong gagawin ko sa kanila," warning niya.
Since mag-take over siya as VRB chairman, almost 2 billion copies na ang na-raid nila. Actually, puno na nga ang warehouse nila ng pirated CDs and VCDs na isa sa mga araw na ito ay idi-destroy nila para walang makinabang.
Tuluy-tuloy ang campaign nila against piracy sa kabila ng threat sa kanyang buhay. "Ang mahirap kasi, pabalik-balik lang yung mga niri-raid namin. Para kasi yang droga na pag na-raid pinapalitan ng financier ang mga na-raid namin. So walang nawawala sa distributor.
"Dapat may cooperation lahat ng tao para ma-solve natin ang problema ng piracy. Hiningi ko rin ang suporta ng mga artista sa aking kampanya para naman ma-feel ko naman na nandiyan sila sa likod ko."
Samantala,sa kabila ng denial ng ilang taong malapit kina Raymond Bagatsing and Lara Fabregas tungkol sa separation nila, consistent ang source ng Baby Talk na malapit sa actor na totoong hiwalay na sila. "Si Lara, nasa house na ng mom niya. Kasi nga, umalis na siya sa condo nila sa Pasig. So iniwan na rin ni Raymond yun," my source said.
Kasama raw lumipat ni Raymond ang anak niya sa isa pang condo na malapit sa dating nirerentahan nila ni Lara sa Pasig.
Mag-enjoy sa true-blue folk artists and real accoustic guitars as they clink to the sound of James Taylor, America, Joni Mitchell, Carole King and Carly Simon courtesy of Mustache artists. Leading the nights jam sessions are Mon Es-pia and Koko Marbella of the famed Labuyo. Jamming for more folk are Wally Gonzales, Joey Ayala, Jess Bar-tolome, Leser Deme-tillo, Albert de Pano, The Folk Cause Artists and many more.
Magi-start ang show ng 7:30.