Naging hudyat ng pagbabalik ni Jao nang maging regular co-host siya ng Lunchbreak na kamakailan ay namaalam na sa ere.
Prior to this, nagkausap sila ng dati niyang manager, si Tita Vera Isberto na muli siyang tinanggap with a open arms. One good thing about Jao, he knows how to humble himself and say, he is sorry with all his heart. "All the while, nandito lang ako at handang tumulong sa kanya, if and when he needs me. I will not abandon him, he is like my own son," ani Tita Vera.
Everything seems to be going great for Jao. Nang ipanganak ng kanyang non-showbiz girlfriend ang kanilang unang baby boy, (a boy, now 3 months old, Benjamin) nag-iba ang pananaw niya sa buhay.
May bagong responsibilidad siyang dapat harapin ngayon. "And I consider Benjamin a lucky charm. Mula nang ipanganak siya, my life has become inspired, enlightened and fulfilled. Nakita ko yung need, na kailangan ay magsikap kami para mabigyan siya ng magandang kinabukasan," says Jao.
Si Jao ay nakatapos sa University of Sto. Tomas. Magaganda ang grades niya, lalo na ang kanyang thesis.
He has lost weight and is back to his old form. Kaya naman Jao doesnt mind doing sexy roles, for as long as an honest-to-goodness acting is required with it. In fact, may dalawang movie offer na silang pinag-aaralan ngayon.
Hinihintay na lang nilang malaman kung sinu-sino ang makakasama niya sa pelikula. Handa na siya sa kanyang pagbabalik at kung kailangan niyang mag-umpisa muli sa maliliit na roles, walang problema sa kanya. Ben Dela Cruz