Nagkaroon ng pulong ang Metro Manila Film Festival 2002 Executive Committee, sa pangunguna ng Over-all Chairman, Honorable Mayor Rey Malonzo. He is putting his best foot forward to present to the moviegoers the best film festival ever. "They deserve the best," sabi niya.
Ang kabiyak ng mukha ng payaso na umiiyak ay sumisimbolo sa maliliit na manggagawa na nagpapahatid ng mensahe sa butihing mayor. Ang mga miyembro ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund Inc.). Sila yung mga stuntmen, make-up artists, utility, theater bookers, crew, legman, production drivers at iba pang katulong sa produksyon. Sa kanilang araw-araw na pag-iistambay sa mga studios, Tropical Hut, Q.C. at Escolta sa araw-araw na matiyagang paghihintay na may magbigay ng assignment, labis ang kanilang lungkot sapagkat nakarating na sa kanila ang balita na ang taunang "subsidy" para sa Mowelfund mula sa proceeds ng Metro Manila Film Festival, mula sa 60% ay bumaba sa 10%. Ito ang tinig ng maliliit na manggagawa na umaabot sa bilang na 5,000 na patuloy na umaasa sa suporta ng Mowelfund tulad ng medical aid, hospitalization, surgery at death aid. Bagaman ang ibang may trabaho sa production outfit kung sapitin ang kagipitan ay tinutulungan ng mga producers at ibang kasamahan lalo na ang big stars, ito ay "case to case basis" lamang. Hindi tulad sa Mowelfund, ang benepisyo ay tiyak at pantay-pantay.
Ang mga Pilipino "being a nation of faith" ay may paniniwala sa kasabihang habang may buhay ay may pag-asa sapagkat naniniwala ang maliliit na manggagawa na kapuso nila si Rey Malonzo na kasapi ng Mowelfund noong 1982. "Hindi kami pababayaan ni Mayor Rey Malonzo," mula sa isang sulok ng Tropical Hut Coffee Shop.
"Hindi ko malilimutan ang pagiging stuntman ko sa panimula ng aking buhay sa pelikula. Malaki ang naitulong sa akin ng Mowelfund. Sa naranasan kong hirap sa pagsisimula sa pelikula, sinikap kong makatawid sa bakod ng kagipitan. Ang iba sa aming kasamahan ay mga tricycle drivers dahil walang trabaho. Humigit-kumulang 2,000 kaming stuntmen. Ilan lamang ang kailangan ng produksyon ngayon, papaano na ang iba?" ayon kay Director Willy Milan na mapagmahal sa mga taga-pelikula.
Tunay na malungkot din ang tanawin sa pangasiwaan ng Mowelfund lalo na ngayong Kapaskuhan. "Cost-cutting measure is strictly observed." Naapektuhan ang mga benepisyo ng mga miyembro na nabawasan mula sa P13,000, ang surgery ay naging P12,000 na lamang; confinement na P8,000 na naging P7,000 sa tatlong beses sa isang taon; P5,000 na medical aid naging P3,000 at death aid na P35,000 naging P25,000 na lamang. Bukod sa maliliit na manggagawa ay nakatulong din ang Mowelfund sa malalaking pangalan ng producers at mga artista na sa pag-inog ng buhay-pelikula ay walang maitustos sa panahon ng pagkakasakit at higit sa lahat, pagsapit ng kamatayan. Naniniwala rin ang Mowelfund na hindi sila pababayaan ni Mayor Rey Malonzo na hanggang ngayon, ayon sa record ng Social Welfare Division ng kompanya ay isa pa ring miyembro. "Nasa kamay niya ang kapakanan ng maliliit." Umaasa ang mga miyembro ng Mowelfund na maipabatid ni Mayor Malonzo sa kinauukulan at sa Mahal na Pangulo ang kanilang kalagayan sa ngayon.
Bilang pangwakas na mensahe, para kay Mayor Rey Malonzo, "Kapuso ka namin sa pamilya ng Pelikulang Pilipino anuman ang kulay ng aming buhay." (Ulat ni Chit Sambile)