Bukod kay Bong, suporta rin ni Jolo sa movie ang kanyang lolo, si Senador Ramon Revilla at isang powerful cast na binubuo nina Mylene Dizon, Carlos Morales, Nancy Castiglione, Goyong at marami pang iba.
May tatlong katauhan si Jolo sa istorya. Una ay bilang siya si Pao. Ang ikalawa ay bilang si Paolo (Bong), ang malakas na superhero. Ang ikatlo ay si Pao Pao (Goyong), lumalabas kapag kinakailangan niyang maging maliit, maliksi at mabilis.
Ang Agimat ay kaiba sa Pepeng Agimat, isa sa mga karakter na ginampanan ni Bong. Tungkol ito sa isang ordinaryong kabataang lalaki na may talisman na isang brass pendant na nakakwintas sa kanyang leeg. Pero, wala itong kapangyarihan. Isang ermitanyo (Ramon, Sr.) ang nagsabi sa kanya na kailangang pumasa siya sa tatlong mahigpit na pagsubok bago mapasakamay niya ang bato na nagbibigay ng power sa kanyang agimat na suot.
Nakapasa naman siya sa mga pagsubok. Kaya niya nagagawang makapag-transform sa katauhan nina Paolo at Pao Pao.
Ang Agimat ang naging dahilan para mapuksa niya ang mga masasamang elemento sa kanyang bayan ng San Roque. Ito rin ang nakatulong niya sa pagliligtas sa kanyang girlfriend na kinidnap ng manananggal at ng kanyang grupong Bagats, isang wild pack ng dog-like creatures.
Sa huli, naging matahimik ang San Roque at namuhay ng mapayapa ang mga tagaroon kasama si Pao na wala nang agimat.
Sa presscon ng Agimat na ginanap sa Annabels sa QC, sinabi ni Bong na mas mahusay sa kanyang artista si Jolo. "Nung kaedad ko siya ay halatang tensyonado ako sa una kong pelikula. Pero si Jolo, relaxed na relaxed. Nakabuti at nakatulong ng malaki ang workshop na ibinibigay sa kanya ni Peque Gallaga who incidentally wrote the story and screenplay of Agimat."
Aprub din siya sa pagkakaroon ng crush ni Jolo sa ka-loveteam nitong si Shaina Magdayao. Namumula si Shaina habang ginagawa siyang sentro ng biruan ng mag-ama during the presscon.