^

PSN Showbiz

Ok lang na suporta si Bong sa kanyang anak na si Jolo

- Veronica R. Samio -
Kitang-kita mo ang pagmamalaki sa mukha ni Bong Revilla habang binibigyan papuri ang kanyang anak na si Jolo Revilla na binigyan nilang magkakapatid na Revilla (Bautista) ng pagkakataon para maging bida sa ni-revive nilang Imus Productions. Pumayag din siyang suportahan ito sa kanyang first starring/cum launching movie, ang Agimat na intended for the Metro Manila Film Festival Philippines. Mahigit sa P30M ang budget ng pelikula na hindi alintana ni Bong at mga kapatid para makagawa ng isang maipagkakapuring pelikula na layuning makatulong sa lubusang pagbangon ng industriya ng pelikula.

Bukod kay Bong, suporta rin ni Jolo sa movie ang kanyang lolo, si Senador Ramon Revilla at isang powerful cast na binubuo nina Mylene Dizon, Carlos Morales, Nancy Castiglione, Goyong at marami pang iba.

May tatlong katauhan si Jolo sa istorya. Una ay bilang siya si Pao. Ang ikalawa ay bilang si Paolo (Bong), ang malakas na superhero. Ang ikatlo ay si Pao Pao (Goyong), lumalabas kapag kinakailangan niyang maging maliit, maliksi at mabilis.

Ang Agimat ay kaiba sa Pepeng Agimat, isa sa mga karakter na ginampanan ni Bong. Tungkol ito sa isang ordinaryong kabataang lalaki na may talisman na isang brass pendant na nakakwintas sa kanyang leeg. Pero, wala itong kapangyarihan. Isang ermitanyo (Ramon, Sr.) ang nagsabi sa kanya na kailangang pumasa siya sa tatlong mahigpit na pagsubok bago mapasakamay niya ang bato na nagbibigay ng power sa kanyang agimat na suot.

Nakapasa naman siya sa mga pagsubok. Kaya niya nagagawang makapag-transform sa katauhan nina Paolo at Pao Pao.

Ang Agimat ang naging dahilan para mapuksa niya ang mga masasamang elemento sa kanyang bayan ng San Roque. Ito rin ang nakatulong niya sa pagliligtas sa kanyang girlfriend na kinidnap ng manananggal at ng kanyang grupong Bagats, isang wild pack ng dog-like creatures.

Sa huli, naging matahimik ang San Roque at namuhay ng mapayapa ang mga tagaroon kasama si Pao na wala nang agimat.

Sa presscon ng Agimat na ginanap sa Annabel’s sa QC, sinabi ni Bong na mas mahusay sa kanyang artista si Jolo. "Nung kaedad ko siya ay halatang tensyonado ako sa una kong pelikula. Pero si Jolo, relaxed na relaxed. Nakabuti at nakatulong ng malaki ang workshop na ibinibigay sa kanya ni Peque Gallaga who incidentally wrote the story and screenplay of Agimat."

Aprub din siya sa pagkakaroon ng crush ni Jolo sa ka-loveteam nitong si Shaina Magdayao. Namumula si Shaina habang ginagawa siyang sentro ng biruan ng mag-ama during the presscon.

vuukle comment

AGIMAT

BONG REVILLA

CARLOS MORALES

GOYONG

IMUS PRODUCTIONS

JOLO

JOLO REVILLA

KANYANG

PAO PAO

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with