Maganda ang takbo ng career ni Carlos. Kasali siya for the first time sa isang Metro Manila Filmfest movie, ang Dekada 70. Isa siya sa mga anak ni Vilma Santos. Opposite ang characters nila ni Piolo Pascual. Maaga siyang nakapag-asawa nang mapikot siya ni Dimples Romana.
"As I told Vilma, sabi ko pwede na akong mamatay dahil nakasama ko na siya sa pelikula. Im happy to be a part of the movie.
"After being paired with Claudine (Barretto in Sa Dulo Ng Walang Hanggan), I hope that ABS CBN will continue to trust me and give me projects like Dekada & Sa Dulo...
"Mayroon nga pala akong isang eksena sa Dekada with Vilma which I find very amusing. I am shown talking to a girl and at the same time holding my "thing". Kinuha niya ang kamay ko at pinagalitan niya ako. Now she calls me a bold actor."
Carlos is likewise ready with his new album, a product of his collaboration with Andrew E. Nagtatampok ito ng naughty hiphop hanggang hardcore rap songs. Ngayon mapapanood nyo na siya sa TV, maririnig nyo pa rin siya sa radyo. Also, youll see him live sa Disyembre 14, sa kanyang birthday concert sa Glorietta Activity Center. Makakasama niya ang mga hottest bands at celebrity friends. Sa dami ng kanyang makakasama at sa laki ng programa, nagtataka ba kayo kung bakit libre ang palabas? Huwag !!!! Birthday niya at ito ang regalo niya sa inyo.
May bago ring commercial si Carlos para sa Shakeys. Tatlong taon na siyang endorser ng nasabing brand of pizza and with his face in every Shakeys store, masasabing nakatulong siya ng malaki sa popularidad nito.
Sa taong ito, nakagawa siya ng dalawang endorsement para dito, ang Cheeseburger Pizza at ang Pepperoni Crunch na inilabas lamang nung Nob. 8 sa pamamagitan ng isang TV commercial, print ads at in-store merchandising.