Napakiusapan ako ni Ms. Monch na mag-host ng show. At first ay reluctant ako dahil hindi malakas ang loob ko na makakita ng mga batang naghihirap. Baka kasi mauna pa akong bumigay. But I was told na these cancer patients ay yung mga masasayang bata at hindi mo makikitaan ng karamdaman. So immediately, I agreed to the request. Kami ni Luz Bagalacsa (supervisor ng Artist Registry Division ng Talent Center) ang nag-host ng event.
Pagdating pa lang sa venue ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumigay na ako. Pero kailangan kong maging malakas para sa mga bata. Kahit nga si Luz ay naluha rin. Para daw hindi niya kakayanin. Pero naging malakas ang loob namin ni Luz. Present din ang mga managers, artist representatives, road managers at PR group ng Talent Center.
Nagsimula na ang show. Unti-unti nang nagdatingan ang mga artista ng Talent Center. Si Bernard Palanca ang nagbigay ng opening statement. Si Dr. Apple Bautista naman ang nagbigay ng statement mula sa PCMC.
Dagsa ang mga artistang nagdatingan. Present sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Kaye Abad, Kristine Hermosa, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Dominic Ochoa, Rafael Rosell IV, Diane dela Fuente, Shaina Magdayao, Carlo Aquino, Jenny Miller, Marc Acueza, Alfred Vargas, Karlyn Bayot, Cherry Lou, Maoui David, Gem Ramos, Aaron Concepcion, Irol Trasmonte, Bentot, Jr., at si Serena Dalrymple, na unang dumating.
Gustong ipaabot ng ABS-CBN Talent Center at ng PCMC management and staff ang kanilang pasasalamat sa mga sponsors ng said event like Harvard USA, Secosana, Hawks Bags, Pizza Hut, Shakeys, Magnolia, Nestle, Milo, Regent Foods, Moose Gear, Jollibee, Bench, Popeye, Kenny Rogers Roasters, Tokyo Tokyo, Petit Monde, Porsche Jeans, Icings, Jeano, AB Notebook, Particles at Molecules. Sina Ronnie Salvacion at Edward dela Cuesta ang official photographers.