Natatandaan namin ang pinagdaanang hirap ng grupo ni Ms. Cindy de Leon, Vice President for Creative Communications Group ng ABS-CBN para mabuo ang bagong station ID. Hindi madaling kumuha ng schedule ng mga nabanggit na big star para i-shoot. Kahit nga ang mga bagets ng ABS-CBN Talent Center ay naging mahirap ding i-schedule dahil sa schedules ng mga ito.
Present kami nang i-shoot ng scene ni Ronnie Poe sa Studio 10 ng ABS-CBN. Simple lang ang concept ng kay Kuya Ronnie pero punung-puno ng puso. Nakabantay ang mga females execs ng ABS-CBN na sina Charo Santos, Cory Vidanes, Malou Santos at Cindy de Leon habang sinu-shoot ito.
Na-impress kami sa pagiging prompt ni Kuya Ronnie. Ahead siya ng isang oras sa call time niya. Kaya habang naghihintay, nagpabili muna ito ng paborito niyang Brothers Burger sa The Loop, 9501. Nang dumating si Kuya Ronnie, namangha kami sa ganda ng kanyang katawan. Walang tiyan, mukhang regular ang work-out nito.
Hindi pala naging mahirap na i-convince si Kuya Ronnie na sumama sa station ID. When told about it, nagbigay agad ito ng sked na tinutukan naman ni Tita Dolor Guevarra. Kuya Ronnies FPJ Action Cinema in ABS-CBN is a consistent toprater kaya malinaw na kapamilya talaga siya ng ABS-CBN.
Congratulations sa ABS-CBN sa bago nilang station ID na punung-puno ng puso.
But according to Nikki, hindi dapat maging big deal kung totoo man yun. Aniya, it was a friendly hug. Wala raw malisya yun. Normal lang daw yun sa mga magkaibigan na mag-hug lalo pa sila na dating magkarelasyon.
Ang obserbasyon kasi ng marami, they still have that feelings para sa isat isa. Marami nga ang nakakapansin kay Troy na despite his rumored romance with Cher Calvin ay mukhang malungkot ito. Nikki naman has moved on but has not totally forgotten Troy.
Kahit nga yung mga nanonood kay Nikki sa Punchline Music Bar (kung saan regular guest performer siya every Wednesday) ay napansin na punung-puno ng emosyon ang mga loves songs na kinanta ng singer-actress. Nakakadala raw ang emosyon ni Nikki. Si Troy kaya ang nasa isip niya kapag love songs na ang hinahataw niya?
Kung sa personal na buhay ay may lungkot kay Nikki, happy naman siya sa kanyang career. Hindi siya nawawalan ng projects mapa-telebisyon o pelikula. Nikki, along with other celebrity endorser Baron Geisler, Desiree del Valle and Matet de Leon will topbill a series of mall tour ng Harvard USA na magsisimula ngayong November. Nakatakda rin siyang magpunta sa States sa December for a series of shows.
Dahil dito, na alarma nang husto ang staff ng Sis dahil hindi nila akalain na tatalunin sila ng Morning Girls. Ito ang dahilan kung bakit ear-to-ear ang ngiti ngayon ng staff ng Morning Girls.