^

PSN Showbiz

Kaharian ng mga hari at reyna!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nakakapanindig-balahibo ang bagong Christmas station ID ng ABS-CBN na ini-launch no’ng Sunday sa ASAP. Watching the station ID convinces me more na nasa ABS-CBN na talaga ang pinakamalaking artista sa industriya ng telebisyon. Lahat ng hari at reyna na maituturing ay kasama. Nariyan sina Dolphy, Vilma Santos, Nora Aunor, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Charo Santos, Robin Padilla, Cesar Montano, Pops Fernandez, Lorna Tolentino, Claudine Barretto, Piolo Pascual, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Boy Abunda at si Fernando Poe Jr. It is with no doubt na ABS-CBN talaga ang number one TV station. It’s a fact na hindi dapat i-contest ng anumang istasyon.

Natatandaan namin ang pinagdaanang hirap ng grupo ni Ms. Cindy de Leon, Vice President for Creative Communications Group ng ABS-CBN para mabuo ang bagong station ID. Hindi madaling kumuha ng schedule ng mga nabanggit na big star para i-shoot. Kahit nga ang mga bagets ng ABS-CBN Talent Center ay naging mahirap ding i-schedule dahil sa schedules ng mga ito.

Present kami nang i-shoot ng scene ni Ronnie Poe sa Studio 10 ng ABS-CBN. Simple lang ang concept ng kay Kuya Ronnie pero punung-puno ng puso. Nakabantay ang mga females execs ng ABS-CBN na sina Charo Santos, Cory Vidanes, Malou Santos at Cindy de Leon habang sinu-shoot ito.

Na-impress kami sa pagiging prompt ni Kuya Ronnie. Ahead siya ng isang oras sa call time niya. Kaya habang naghihintay, nagpabili muna ito ng paborito niyang Brother’s Burger sa The Loop, 9501. Nang dumating si Kuya Ronnie, namangha kami sa ganda ng kanyang katawan. Walang tiyan, mukhang regular ang work-out nito.

Hindi pala naging mahirap na i-convince si Kuya Ronnie na sumama sa station ID. When told about it, nagbigay agad ito ng sked na tinutukan naman ni Tita Dolor Guevarra. Kuya Ronnie’s FPJ Action Cinema in ABS-CBN is a consistent toprater kaya malinaw na kapamilya talaga siya ng ABS-CBN.

Congratulations sa ABS-CBN sa bago nilang station ID na punung-puno ng puso.
*****
Maraming nangungulit kay Nikki Valdez kung totoo ’yung balitang nagyakapan sila ni Troy Montero nang magkita sila sa birthday party ni Deo Endrinal sa Elbow Room kamakailan. May mga balita pang nagkaiyakan silang dalawa habang magkayakap.

But according to Nikki, hindi dapat maging big deal kung totoo man ’yun. Aniya, it was a friendly hug. Wala raw malisya ’yun. Normal lang daw ’yun sa mga magkaibigan na mag-hug lalo pa sila na dating magkarelasyon.

Ang obserbasyon kasi ng marami, they still have that feelings para sa isa’t isa. Marami nga ang nakakapansin kay Troy na despite his rumored romance with Cher Calvin ay mukhang malungkot ito. Nikki naman has moved on but has not totally forgotten Troy.

Kahit nga ’yung mga nanonood kay Nikki sa Punchline Music Bar (kung saan regular guest performer siya every Wednesday) ay napansin na punung-puno ng emosyon ang mga loves songs na kinanta ng singer-actress. Nakakadala raw ang emosyon ni Nikki. Si Troy kaya ang nasa isip niya kapag love songs na ang hinahataw niya?

Kung sa personal na buhay ay may lungkot kay Nikki, happy naman siya sa kanyang career. Hindi siya nawawalan ng projects mapa-telebisyon o pelikula. Nikki, along with other celebrity endorser Baron Geisler, Desiree del Valle and Matet de Leon will topbill a series of mall tour ng Harvard USA na magsisimula ngayong November. Nakatakda rin siyang magpunta sa States sa December for a series of shows.
*****
Tuluyan nang nilampaso sa ratings ng Morning Girls ang dating nangungunang Sis. It’s been months now nang magpakita na ng puwersa ang show sa viewership. Milya-milya na ngayon ang layo ng show nina Pops Fernandez, Zsa zsa Padilla at Carmina Villaroel sa show nina Janice at Gelli de Belen. May mga episodes na kalahati ang percentage na lamang ng Morning Girls sa Sis. Isa sa pinakamataas na rating na nakuha ng Morning Girls ay nang mag-guest sina Aga Muhlach at Claudine Barretto.

Dahil dito, na alarma nang husto ang staff ng Sis dahil hindi nila akalain na tatalunin sila ng Morning Girls. Ito ang dahilan kung bakit ear-to-ear ang ngiti ngayon ng staff ng Morning Girls.

vuukle comment

ABS

AGA MUHLACH

CBN

CHARO SANTOS

CLAUDINE BARRETTO

KUYA RONNIE

MORNING GIRLS

NIKKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with