"Wala akong alam na gusto niya akong ligawan. Unfair naman yata sa kanya na pagbintangan siya ng ganun pagkatapos ng eskandalong nangyari. Wala naman siyang pahiwatig ng any indecent proposal!
"Naku ha! Huwag po kayong magbiro ng ganyan! Ayoko no! Wala akong plano na maging girlfriend ng pulitiko," sabi agad niya.
Si Diana ay bida sa pelikulang Kasiping ng Seiko Films. Kasama si Rodel Velayo. Hindi kaya ang aktor ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpaligaw kay Mayor Abalos?