Assunta at Jules, di pa nagsisiping!
November 17, 2002 | 12:00am
Sa isang lamayan ay naging sentro ng kuwentuhan at alaskahan ang relasyong Assunta de Rossi at Congressman Jules Ledesma.
Maraming binubusising impormasyon ang mga may edad nang lalaking nakikipaglamay sa namayapang ina ng kaibigan at kasamang Joe Barrameda.
Bading daw ba si ganito at ganyang aktor? Totoo raw bang hawak ni ganun at ganitong pulitiko ang mga pangalan ng aktres na isa-isa nilang binanggit?
Nakatutok nga sila sa mga kaganapang-showbiz sa kabila ng kanilang kasarian at edad, ganun kalakas ang kaway ng mga balitang artista sa ating mga kababayan.
Isang lalaki ang nagtanong-nagtaka sa rebelasyon ni Assunta kamakailan na hanggang ngayon daw ay wala pang nangyayari sa kanila ng pulitiko.
Sa salitang nangyayari, ang tinutukoy ni Assunta ay pisikal na pagniniig, na siyemprey ikinagugulat ng mga kababayan natin.
Tanong ng kaharap namin, "Si Assunta, hindi pa ginagalaw ng boyfriend niya? Eh kami nga, yung seksing pictures lang niya sa FHM, pinag-iilusyunan na namin?"
Tawanan ang magkakaharap, "Ang hina naman pala ng Jules na yun, nakahain na sa kanyang harapan ang putahe, wala pang nangyayari?" sabi naman ng isa pa.
Nagtitinginan lang kaming magkakasamang manunulat, iisa lang kasi ang takbo ng aming isip, kami mang mga reporter ay ganun ang naging takbo ng tanungan bago kami nakarating sa lamay.
Ibig sabihin ng aming mga kaharap ay napakatagal nang nagsasama sa isang bubong nina Cong. Ledesma at Assunta, pero hanggang ngayoy wala pa ring nagaganap sa kanila? "Hhhuuuwwaaattt???!!!" sabay-sabay nilang tanong.
Kahit nakapagtataka, dahil sa kasalukuyang takbo ng panahon, ay may mga parehang nagbibigay-importansya pa rin sa matrimonyo ng kasal.
Malay naman natin, baka nung magdesisyon si Assunta na makipag-live-in na sa pulitiko, ay masusi muna nilang pinag-usapan na kailangan muna nilang magpakasal bago may maganap sa kanilang dalawa.
Malay naman natin kung pinagkasunduan na talaga noon pa man nina Cong. Jules at Assunta na hanggang hindi pa sila nagpapakasal ay magtitinginan na lang muna sila?
Imposible, sasabihin ng iba, pero hindi naman kasi natin sakop at naaabot ang utak ng magkarelasyon, maaaring nagkakasundo sila sa ganung punto, kaya ang deklarasyon ng aktres ay wala pang seksuwal na kaganapang namamagitan sa kanila ng pulitiko.
Puwedeng lumabas na katawa-tawa si Cong. Jules sa pananaw ng maraming kalalakihan, dahil si Assunta ay pinag-iilusyunang makasiping ng mga anak ni Adan kahit sa panaginip lang, pero ang babaeng pinapangarap nilang makasama ay hindi pa nakakasiping ng kongresista?
At sa panig naman ni Assunta, kinalaban na niya ang lahat nang dahil sa pag-iibigan nila ni Jules, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinibigay ni Assunta ang kanyang katawan sa lalaking ipinaglalaban niya nang patayan?
Nakakatawa at nakapagtataka uli, pero malay nga natin kung may usapang pinaninindigan ang magkarelasyon?
Alisin na lang natin sa kuwento ang duda ng marami na kakwestiyon-kwestiyon ang kasarian ng pulitiko, burahin na lang natin sa istorya ang posibilidad na hindi babae ang makapagpapaligaya sa kongresista.
Malay ba natin sa kanilang kasunduan? Malay ba natin sa prinsipyong kanilang pinanghahawakan?
Sa tanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa palang nagaganap na seksuwal ang anggulo sa dalawa ay isa lang ang maisasagot namin.
Ma at pa!
Malay at paki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended