Miss Asia Pacific Quest, atin ito!
November 17, 2002 | 12:00am
Isa lamang international beauty contest ang maaangkin natin na tunay na ang ating bansa ang lumikhaang Miss Asia Pacific Quest.
Noong unang ginawa ito sa ating bansa, mga late 60s ay Miss Asia pa lamang ang tawag. Dati kasi ay mayroong "Queen of the Pacific" search na sa Australia naman ginagawa. Hindi nagtagal ang nasabing timpalak kayat okey lamang na tawagin ng Miss Asia Pacific Quest ang beauty pageant na ang pasimuno ay ang mga organizers din ng Mutya ng Pilipinas.
Marami pang sakop na bansa kapag sinabing Asia-Pacific dahil maaaring lumahok ang mga countries na dinadaluyan ng Pacific Ocean, bukod pa sa mga dating kasamang Asian contestants. Sa taong ito ay 25 lamang ng bansa ang nagpadala ng kanilang kandidata.
Sa ginawang press presentation sa Westin Philippine Plaza noong Huwebes ay 22 pa lamang ang mga beauties na nandoon. Parating pa lang kasi sina Miss Canada, Miss Japan at Miss Malaysia. Buti na lamang at nakahabol, fresh from the airport, sina Miss USA at Miss Lebanon.
Sa 34 na nagwagi na ng titulo, si Eva Arnie ng Papua, New Guinea ang natatandaan ng karamihan. Kulay tsokolate kasi siya, pero flawless ang complexion at sexy ang hubog ng katawan. To top it all naging leading lady siya ng dating Presidenteng Joseph Estrada sa isang pelikula!
Marami na ring mga Mutya ng Pilipinas na naging Miss Asia. Ilang taon din na hindi sa Pilipinas ginanap ang timpalak dahil sandaling nalipat sa Malaysia ang venue.
Unang naisulat sa column na ito si Niko Castro, noong bagong salta pa siya sa Maynila, mula sa San Carlos, Pangasinan.
Palibhasay masigasig na matupad ang ambisyon, talagang nagsikap ng husto si Niko. Ilang buwan siyang nag-body building. Kayat nang makita namin siya last week ay matipuno na ang katawan niya.
Masayang-masaya si Niko nang ibalitang may sisimulan na siyang pelikula before the month ends. Tuloy pa rin ang kanyang voice lessons sa Center for Pop Music. Sa pinarinig sa aming CD niya ay maganda ang timbre ng boses ng binata.
Di kami magugulat kung marami na ring mag-aalok sa kanyang pumuwesto sa mga music lounge. Sana, makita rin namin si Niko na mag-guest sa mga sikat na TV shows.
Noong unang ginawa ito sa ating bansa, mga late 60s ay Miss Asia pa lamang ang tawag. Dati kasi ay mayroong "Queen of the Pacific" search na sa Australia naman ginagawa. Hindi nagtagal ang nasabing timpalak kayat okey lamang na tawagin ng Miss Asia Pacific Quest ang beauty pageant na ang pasimuno ay ang mga organizers din ng Mutya ng Pilipinas.
Marami pang sakop na bansa kapag sinabing Asia-Pacific dahil maaaring lumahok ang mga countries na dinadaluyan ng Pacific Ocean, bukod pa sa mga dating kasamang Asian contestants. Sa taong ito ay 25 lamang ng bansa ang nagpadala ng kanilang kandidata.
Sa ginawang press presentation sa Westin Philippine Plaza noong Huwebes ay 22 pa lamang ang mga beauties na nandoon. Parating pa lang kasi sina Miss Canada, Miss Japan at Miss Malaysia. Buti na lamang at nakahabol, fresh from the airport, sina Miss USA at Miss Lebanon.
Marami na ring mga Mutya ng Pilipinas na naging Miss Asia. Ilang taon din na hindi sa Pilipinas ginanap ang timpalak dahil sandaling nalipat sa Malaysia ang venue.
Palibhasay masigasig na matupad ang ambisyon, talagang nagsikap ng husto si Niko. Ilang buwan siyang nag-body building. Kayat nang makita namin siya last week ay matipuno na ang katawan niya.
Masayang-masaya si Niko nang ibalitang may sisimulan na siyang pelikula before the month ends. Tuloy pa rin ang kanyang voice lessons sa Center for Pop Music. Sa pinarinig sa aming CD niya ay maganda ang timbre ng boses ng binata.
Di kami magugulat kung marami na ring mag-aalok sa kanyang pumuwesto sa mga music lounge. Sana, makita rin namin si Niko na mag-guest sa mga sikat na TV shows.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended