Kung si Richard ay mahilig sa showbiz, wala namang hilig dito ang kanyang twin brother na nasa Amerika ngayon at nag-aaral. Maging sa sports ay magkaiba ang kanilang hilig. Ayon kay Richard, wala umanong hilig si Raymond sa basketball at boxing na siya naman niyang hilig.
Enjoy si Richard sa kanyang buhay ngayon sa showbiz. Kahit mahigit pitong buwan pa lamang siya rito, may tatlo na siyang regular TV shows at may pelikula pa. Pagdating naman sa pelikula, may eight-picture exclusive contract with Regal Films at first movie niya bale ang Bakit Papa? na pinangungunahan ng Sex Bomb Dancers kasama ang kanyang ka-loveteam sa Click na si Chynna Ortaleza.
Ayon kay Richard, very supportive ang kanyang Ate Ruffa ganundin ang kanilang dad na si Eddie Gutierrez. Pinaalalahanan siya ng kanyang daddy na maging responsible sa kanyang trabaho kung gusto umano niyang magtagal sa showbiz. Sinabihan naman siya ng kanyang Ate Ruffa na huwag umanong kalilimutan ang kanyang mga old friends. In showbiz, kinu-consider ni Richard sina AJ Eigenmann at Reiley Valeroso as his closest pals.
Pansamantalang nakahinto si Richard sa kanyang pag-aaral pero graduate na siya ng high school sa La Salle-Greenhills. Kapag nagkaroon siya ng pagkakataon, gusto niyang kumuha ng business management o di kaya filmmaking.
Samantala, isa si Richard sa natuwa nang maabsuwelto ang kanyang Ate Ruffa at Kuya Rocky sa 1994 MFF scam. Hindi nito ikinaila na naapektuhan ang kanilang pamilya dahil dito but that is water now under the bridge.
Pabor ba naman si Richard sa boyfriend ng kanyang Ate Ruffa na si Yilmaz Bektas?
"Hindi ako close sa boyfriend ni Ate Ruffa, pero kung saan maligaya ang kapatid ko, walang problema sa akin," say pa ni Richard na siyang pinaka-guwapong myembro ng Click.
Ano ang pakiramdam ni Richard ngayong tatapatan na ang Click ng Berks ng ABS-CBN?
"Nakaka-excite and at the same nakaka-pressure rin," aniya.
Ngayong kumikita na si Richard ng sarili, hindi na umano siya nanghihingi ng pera sa kanyang mommy at sa halip ay siya pa umano ang nagbibigay sa kanyang mga kapatid at ang iba naman ay iniipon niya sa bangko.
"Kapag may pera na akong naipon, gusto kong mag-put-up ng sarili kong resto-bar business balang araw.
Ang hindi lamang namin alam ay kung dadalo ang ina ni Isabel na si Mommy Guapa (palayaw sa kanya ng mga taga-showbiz) na masama umano ang loob sa kanyang kaisa-isang anak.
Kung tutuusin, dapat magmula kina Jules at Assunta ang pakikipagbati sa mag-inang Nette at Alex. Ang kailangan lang naman nila ay bisitahin marahil ang mag-ina at personal nila itong imbitahan sa kanilang kasal. Kung gusto talaga ni Assunta na mapalapit din ang kanyang magiging mister sa kanyang ina at kapatid, may magagawa siyang paraan at ganundin naman si Jules.
Mas magiging masakit yon kay Assunta kung wala man lamang sa kanyang mga paryentes ang dadalo sa isang pinakamahalagang okasyon sa kanyang buhay, ang kanyang pagpapakasal.
Samantala, ang pelikulang Bahid ang siyang magiging last sexy movie na bale ni Assunta. Although magpapatuloy pa rin umano siya sa paggawa ng pelikula, iiwasan na niya ang pagbu-bold dahil magiging Mrs. Jules Ledesma na siya. Of course, everybody knows na si Jules ay isang kongresista.