Geneva nangangarap na makasal

Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Paco Arespacochaga, nangangarap pa ring magpakasal ni Geneva Cruz at magsuot ng traje de boda. "Gusto ko ring magkaanak pa pero magpapakasal muna ako before the baby," sabi niya during the launching of her 4th album, "Geneva" sa Universal Records.

Bagaman at gumagawa rin siya ng movies, sinabi niya na sa singing niya siya naka-focus ngayon."Sa mga pinsan ko na iniwan ang showbiz matapos mag-asawa, ako na lamang ang nagtatayo ng bandera, tapos iiwanan ko pa ba?

"I feel I’m at home kapag nasa ibabaw ako ng stage at kumakanta, nag-iiba ako sa stage. Maski mabibigat na problema, nakakalimutan ko. Pagkatapos ng show, saka ako umiiyak na muli," aniya.

Isang pop album ang "Geneva" na may 3 producers – Vehnee Saturno, Ito Rapadas at Noel Macanaya. "Don’t Need Your Money" ang carrier single nito na may MTV na dinirek ni Boom Dayupay.

May kinompos siyang awitin, ang "Goodbye" pero, hindi ito umabot."Baka sa next album, makasama ito," aniya.
*****
Tapos na rin ang Lastikman ng Octo-Arts Films at M-Zet Productions. Kinunan ang mga remnants nito sa araw na itinakda para sana sa presscon ng movie kaya todong late na nang dumating si Vic Sotto. Si Donita Rose naman ay nagmadali nang makabalik ng Singapore.

Medyo may pagka-komedi ang bagong Lastikman na isa sa mga karakter na ginawa ni Mars Ravelo, ang creator din ni Darna at Dyesebel. Mas nakakatawa ito ngayon at mas high- tech. Costumes pa lamang at special effects ay kumain na ng malaki sa P35M na budget ng pelikula.

Kaabang-abang din ang pagkakasali nina Michael V. bilang isang bumbling news reporter na gustong maka-scoop kay Lastikman. Si Stryker naman si Jeffrey Quizon, ang No. 1 na kalaban ng bida sa pelikula.

"Ayaw naming isakripisyo ang quality ng movie. Gastos kung gastos talaga," ani Vic. Mapapanood dito ang kayang gawin ng Pinoy, di man makapantay sa special effects ng mga foreign films, hindi naman tayo maiiwan ng milya-milya."
*****
Gusto n’yong maging masaya ang children’s party n’yo? May isang events organizer na ito talaga ang forte, ang Values Media, Inc. na pinamumunuan ni Caloy Atayde, may 30 taong karanasan sa mass media at entertainment. Siya ang creator ng Boyoyong Clowns na sumikat nang husto nun at umaarangkada pa rin sa mga parties. Ngayon ay may mga bago siyang nilikhang entertainers and skilled game masters – sina Harry at Holly, ang Happy Hats na mas higit pa ang nalalaman kaysa mga usual clown acts at magician tricks. Sa loob ng tatlong oras ay magbibigay sila ng isang full-length show na involved hindi lamang ang may kaarawan kundi maging ang mga magulang at mga bisita ng may kaarawan.

Sumailalim sa isang rigid training ang Happy Hats bago sila na-certify na magperform. Nagsanay silang kumanta, sumayaw, magkuwento, umarte at makipag-usap sa isang mixed audience na binubuo ng mga bata at matatanda.

Gusto n’yo silang subukan? Tumawag sa 631-3471 o 637-4137 para sa iba pang impormasyon.
*****
Hindi makapaniwala si Maui Taylor na magiging isang big hit ang Hibla nila ni Rica Peralejo sa Viva Films. Akala kasi niya, ayaw ng manonood ng provincial setting. Obviously, hindi sila sa setting interesado kundi sa mga artista ng pelikula, in Hibla’s case, sa kanila ni Rica.

Also starring in the Yam Laranas film are Ricky Davao and Antonio Aquitania.

Show comments