Sabi nga ng isang babaeng katabi naming nanood ng awards night ng Himig Handog Love Songs, "Mahusay pala ang batang yan sa hosting. Sana mabigyan din ng break."
Pagdating sa acting, no doubt na napapansin talaga si Desiree bilang Bernadette sa teleseryeng Bituin ni Nora Aunor. Nakikipagsabayan talaga siya sa mga beteranang aktres tulad nina Nora, Cherie Gil, Celia Rodriguez at Cherrie Pie Pecache. Kahit sa Tabing Ilog, her first show ay nakitaan na ng husay sa acting si Desiree. No wonder, isa siya sa paborito ngayon sa bakuran ng ABS-CBN.
Very popular na talaga si Desiree. Sa katunayan, ang popularidad niya ay napansin ng Harvard USA kung saan isa siya sa mga celebrity endorsers along with other teen idols Baron Geisler, Nikki Valdez, Matet de Leon, Danica Sotto at iba pa.
All out ang ipinapakitang suporta ng Harvard USA kay Britney. Kaya kung mapapansin ninyo ang naglalakihang billboard ng Harvard USA, ito ay bilang suporta kay Britney at sa self-titled album nito under Universal Records.
Naka-locate ang mga nasabing billboard sa SM North EDSA, Quezon Avenue at Quirino Avenue along South Super Highway. For more info about Britney and Harvard USA tie-up, visit http://www.harvard-usa.com.
Makakasama nina Claudine at Camille sina Luis Alandy, Baron Geisler, Rafael Rosell at Angelica Panganiban sa show. Sina JM Rodriguez at Patricia Ysmael ang mga hosts.
Sina Claudine at Camille ang dalawa sa mga celebrity image model ng Secosona Leather Bags. Ang series of mall tours ay bilang pasasalamat ng management sa publiko sa suportang ibinigay ng tao sa kanilang produkto.
Wish ko lang ay hindi maging sing-unruly ng mall tour ng Kailangan Kita ang mall tour ng Secosana. Dahil sa totoo lang, muntik nang ma-cancel ang ibang schedule mall tour ni Claudine with Aga Muhlach dahil hindi na magkamayaw ang tao.