Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang magandang aktres sa annulment case nito. Naging mabuti naman silang magkaibigan ng kanyang asawang aktor.
Para kay Diet, naniniwala siya sa kasabihang "age doesnt matter." Sakaling ligawan niya at sasagutin siya ni Dina ay hindi na ito bago sa kanya dahil noong 19 years old siya ay nagkaroon siya ng girlfriend na 29 years old.
Nanghihinayang nga siya dahil hanggang kissing scene lang sila ng aktres sa pelikula at walang lovescene dahil nalaman niyang asawa ito ng kanyang amang si Eddie Garcia sa pelikula.
Naniniwala si Diet na sakaling magkaroon sila ng relasyon ni Dina ay magiging maligaya sila dahil wala naman sa mukha nito na malaki ang agwat ng kanilang edad. Sexy pa rin ang ina ni Danica Sotto.
Minsan ay dumalo sila sa isang showbiz gathering para magbigay ng isang production number. Natapos ang palabas ng halos madaling araw na. Gutom na gutom sila hanggang napunta sa isang restoran na malapit nang magsara. Hindi na sila pinagbigyan dahil disoras na ng gabi. Pero nang magsayaw sila at kinantahan ang may-ari ay pinapasok sila at pinakain lalo na nang malamang sila ang paborito nilang dancers na napapanood sa Eat Bulaga.
Idinagdag pa rin ni Rochelle na natutuwa silang lahat dahil kahit paano ay nakapagpundar na rin sila ng mga gamit sa bahay, may kotse na ito at nakapag-iipon pa para makapagpatayo ng sariling bahay. Walang insecurity sina Izzy Trazona, Yvette Pabalan, Weng Ibarra, Jopay Paguia at Monic Icban sa kanya bilang leader ng grupo.
Ayon dito, malaki ang naging pagbabago ng kanyang buhay sapul nang maging Sex Bomb Dancer dahil kapag nagpupunta siya sa mall ay may nakakakilala na sa kanya kung saan nagpapapirma pa sila ng autograph. Higit sa lahat ay nakabili na siya ng mga gamit sa bahay gaya ng TV, component at iba pa. Pangarap niyang makabili ng sariling bahay at kotse.
Nang may magtanong kung papayag siyang lumabas sa sexy movie. "Hindi ko carry, di ko kayang maging sexy star lalo na pag naghuhubad. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral at maging broadcaster gaya ni Bernadette Sembrano na paborito ko," aniya.
Kumukuha siya ng voice lesson sa isang private coach at balak na mag-enrol sa UP Conservatory of Music. Inihahanda na ang pagiging recording artist ng baguhang singer na malaki ang potensyal sa pag-awit na hawig ang boses sa idolong si Martin Nievera.
Magaling ding sumayaw si Melvyn at nagbuhat sa pamilya ng mga singers kung saan ang kanyang ama ay dating miyembro ng isang banda na sumikat noon.
Ang concert ay gagawin sa Rembrandt Hotel sa December 5 na tatampukan din ng isang sikat na banda.
Excited na nga ang action star dahil muli niyang makakatrabaho si Juday. Ipinaliwanag din nito na ang tunay na dahilan kung bakit tinanggihan niya ang offer ng Syete na Habang Kapiling Ka ay hindi dahil kay Angelika dela Cruz. Hindi kaya ng kanyang time schedule ang tatlong beses na taping sa isang linggo na napapasabay naman sa kanyang syuting.