Kris naka-bra lang sa 'Mano Po'

Marami na naman ang gugulatin ni Kris Aquino sa pelikulang Mano Po ng Regal Entertainment. Pumayag siyang magtanggal ng kanyang damit dito at makipag-love scene kay Eric Quizon. May pumping scene pa sila. Naka-bra lamang siya sa kanilang eksenang dalawa bagaman at lalabas na nakahubad siya sa movie.

Bakit siya pumayag sa ganitong eksena gayong alam naman ng lahat na second choice lamang siya sa movie?

Original role ni Ara Mina ang pino-portray niya samantalang kinuha ni Ara Mina ang role na dapat sana ay ginawa ni Assunta de Rossi na kinailangang mag-back out sa pelikula for personal reasons.

"I accepted the role because I really wanted to work with Direk Joel Lamangan," ang sabi ni Kris sa pagitan ng mga hagikgik during the dinner na hinost ng Regal Films sa Dusit Hotel na kung saan ay kinukunan ang isang malaking eksena ng movie. Lahat ng mga involved stars para sa pelikula ay dumating ng naka-pormal na Chinese dresses, mula kay Eddie Garcia, Boots Anson Roa, Kris Aquino, Eric Quizon, Maricel Soriano, Gina Alajar at Amy Austria. Lahat nito ay binili pa mismo ni Mother Lily Monteverde sa Beijing, China para magamit nila sa pelikula. Yung kay Boots ay ibinigay na niya dahil natuwa siya nang pumayag itong isuot ang damit na siyang may pinaka-mahabang slit sa lahat.

Going back to Kris, sinabi niyang, talagang humahanga siya kay Direk Joel. "He knows how to explain my role that I was able to tackle it right away.

"Sa first shooting days ko, he told me to stop nodding my head as if I was hosting a show.

"At first, ayaw ko ng role ko. My character marriage without love. Arranged lang and Eric, my husband was a busy businessman na pagod na pagdating ng bahay at walang time for anything, even sex.

"Ok lang yung lovescene namin. Inalagaan naman nila ako, from Direk Joel to Eric. And because Eric and I have worked in the past, (Elsa Castillo movie) wala na kaming malisya ni Eric. Panay ang sabi ko sa kanya na takpan niya ang boobs ko. Ginawa naman niya," patuloy niya.

When asked kung uulitin pa niya ang pagbu-bold niya, sinabi niya na depende kung sino ang magiging direktor niya.

Ang staff niya sa Game KNB was shocked nang malaman ang ginawa niya.

"I am proud of the movie. My role is a good one, the sister who wants to keep the family united. And the way all of us performed. Bago ko tinanggap ang role ay ikinunsulta ko pa muna kay Boy Abunda kung tatanggapin ko o hindi," sabi niya.
*****
Berks, ito ang bagong lingo ng mga bagets ngayon na ang ibig sabihin ay pagkakaibigan at pagiging barkada.

Madalas maririnig mong sinasabi nila sa isa’t isa kung "Ka- Berks ka ba namin?"

Ito rin ang titulo ng bagong programa ng ABS-CBN na magsisimulang mapanood ngayong Sabado, Nobyembre 16 sa ganap na ika-4:00 ng hapon.

Ang Berks ay umiikot sa buhay ng isang grupo ng mga kabataang edad ay late teens at early 20s. Habang naghahanap sila ng sariling personality while dealing with the challenges of school, their social and romantic lives. Nakatira ang mga Berks sa dalawang dormitoryong magkatapat, isa para sa girls at isa para sa boys.

Stars ng Berks sina John Prats at Heart Evangelista, dalawang freshmen na may problema. Overprotective and only child si Javie at may bagong gf naman ang widower father ni Gwyneth. Love at first sight sila. Hindi alam ng lalaki na may bf na si babae, portrayed by Ateneo cager Chris "Epok" Quimpo who’s making his TV series debut.

Kasama rin sa Berks sina Sarah Christophers, Mark Acueza at Hazel Ann Marquez, ang bumubuo ng isa pang love triangle sa story.

Nakakatuwa ang characters nina Greg Martin at Jay Salas ng Powerboys. Gayundin sina Khalil Kaimo at Michael Allan Eusebio as Ketchup.

Kasama rin si Allyson Lualhati sa serye na idinidirihe ni Gilbert Perez.

Show comments