"Mabait si Jules pero lagi na lang siyang nagiging kontrabida. Katunayan ay pinapayagan niya akong lumabas pa sa pelikula. Ako ang may gustong huwag na munang gumawa ng sexy movie kaya memorable sa akin ang Bahid dahil huling pagbo-bold ko na ito. Pwede naman akong magpa-sexy lang pero walang hubaran gaya nang ginawa ko sa Jologs at kumita naman ito, di ba? Sa sobrang bait nga ni Jules ay hindi ito naaapektuhan kapag sinasabing bading siya. Ako nga tinutukso ko rin siyang bading minsan at masaya rin dahil may sister na ako," aniya.
Sa susunod na taon ay may gagawin ito sa Star Cinema. Sa pelikulang Bahid ay may mainit na eksena silang dalawa ni Diether Ocampo na kapwa hubad habang nagse-sex sa silya. Mayroon din silang lovescene sa elevator dahil bilang mag-asawa ay dalawang taon silang hindi nagkita kaya hot na hot sila.
Comfortable silang dalawa ni Diet sa maiinit na eksena dahil nagkasama na sila sa pelikula noon. First time naman niyang nakasama si Dina Bonnevie sa movie at sinasabing hindi siya tinatarayan.
Higit sa lahat pinakadrama niya ang makapagprodyus ng pelikula balang araw. Nais ni Diet na makalabas sa isang period movie at makapareha si Claudine Barretto dahil bukod sa napakaganda nito ay magaling pang umarte.
Bukod sa negosyo ay abala rin ito sa ibat ibang klase ng sports. Sumasali rin siya sa ibat ibang competition. Nakipag-compete ito sa sailing event sa Hongkong kamakailan kung saan nanggaling ang invitation mula sa Europa at Asya. Nakuha nila ang ikapitong pwesto. Nahihilig siya ngayon sa trap shooting kasama si Richard Gomez at motocross. Kabilang pa rin siya ng bandang Blow na tumutugtog sa Wine Bar sa Makati. Siya ang vocalist at guitarist ng grupo.
Kilala din bilang sexy actor si Diet at nakapareha na sina Rosanna Roces at Joyce Jimenez. Kwento nito na noong may eksena sila ni Osang sa isang movie na pinagtambalan noon ay uminom pa siya ng alak para pampalakas ng loob.
Nagkasama na sila ni Assunta de Rossi pero, first time niyang magkaroon sila ng maiinit na eksena sa Bahid.
Ang Bahid ay isang madramang pelikula mula sa panulat ni Roy Iglesias, tungkol sa maeskandalong relasyon sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya.
Nasira tuloy ang paghanga sa kanya ng ilan dahil may suot pa naman itong singsing na may malaking brilyante na handog ng kanyang husband-to-be na isang pulitiko. Malapit na kasing ikasal ang dalawa kung saan naging kontrobersyal ang kanilang relasyon.