"Sobrang lakas talaga ng movie," kwento ni Roxy. "Increasing everyday. Hindi pa kasama ang gross ng probinsya, simultaneous kasi ang showing ng movie. Baka ma-beat nito ang gross ng Got 2 Believe. Meaning, Claudine is really breaking her own box-office records. Malakas ang chances niyang siya ang maging box-office queen this year."
Dahil sa lakas ng movie, immediately ay muling pumirma si Claudine ng kontrata sa Star Cinema. Last week nangyari ang contract signing. Present ang mga ABS-CBN, Talent Center at Star Cinema bosses na sina Ms. Charo Santos-Concio, Mr. Johnny Manahan, Ms. Malou Santos, Ms. Mariole Alberto, Ms. Lulu Romero at Mrs. Inday Barretto. Sa February, nakatakdang simulan ni Claudine ang next project niya. Hindi lang ikinuwento sa amin kung sino ang makakasama niya.
Claudine inked a 2 picture exclusive contract with Star Cinema. Exclusive ito. Nangangahulugan na tanging Star Cinema lang ang gagawa ng pelikula ng bagong box-office queen.
Ang aming mainit na pagbati kay Claudine, Aga, Direk Rory Quintos at sa lahat ng bumubuo ng Kailangan Kita.
Kahit si Heart ay aminado na special ang turing sa kanya ni John. Kaya lang, talagang hindi pa siya pwedeng ligawan.
"Ang nakakatuwa kay John, willing siyang maghintay," sabi ni Heart. "Next year, Im turning 18 at kung andiyan pa siya, at love niya talaga ako, di sige. I love my parents ang I dont want to dissapoint them."
Hindi maiiwasang mahulog ang loob sa isat isa sina John at Heart. The past months ay constant silang magkasama. Lalo na ngayon na may sarili na silang show, ang Berks, ang bagong teen show ng ABS-CBN na magsisimula sa November 16, 4 pm. Regular guest din si John sa Arriba, Arriba na extended hanggang December pa.
Excited ang dalawang ipinagmamalaking stars ng Talent Center dahil anila, parang pelikula ang ginagawa nila sa Berks.
"May workshop for each role. Parang pelikula. Tapos film director pa ang direktor namin, si Direk Gilbert Perez. Sa puntong yun, garantisadong magugustuhan ng viewers ang show namin," sabi ni John.
Sa Berks ay ipakikilala ang bagong loveteam ng ABS-CBN. Kasama rito sina Sarah Christophers, Hazel Ann Mendoza, Khalil Kaimo, Marc Acueza, Alysson Lualhati, Jay Salas, Greg Martin, Karelle Marquez, Ketchup at iba pa.
Lalong nagpasaya ang kwelang hosting nina John Lapus at Roxy Liquigan. Sa dalawa namin nalaman na unang job pala ni Deo ay sa show na Spin a Win ni Jeanne Young. Nalibot na rin ni Deo ang lahat ng TV station. Present din ang mga taong dating nakatrabaho ni Deo sa GMA 7. At ngayon ay at home na siya bilang isa sa mga executives ng ABS-CBN.
Hindi na namin iisa-isahin ang mga guests ni Deo. Basta, name it, andon sila. Mga big time managers, singers, TV personalities, lahat sila present.
Last Saturday naman, I had dinner with a dear friend Elena dela Vega. Birthday din niya. Ginanap ito sa Dapo Restaurant along Sct. Borromeo in Quezon City. It was an intimate dinner atended by Elenas close friends.
Kina Deo at Elena, maligayang bati sa inyong dalawa.