Barbara, ninerbiyos kay Kris!

First time ni Barbara Milano na makaharap si Kris Aquino nang maging guest ito ng The Buzz para sa promosyon ng pelikulang Sex Files.
br>Tinanong siya ng TV host kung kailan siya sinimulang ligawan ng kanyang kapatid na si Congressman Noynoy Aquino.

Sumagot naman siya at sinabing ang magandang katangian ni Noynoy, kaya lang hindi raw nagtagal ang kanilang relasyon.

Open sa pagsasabi si Kris na nagustuhan niya si Barbara. Kaya lang wala nang pag-asang maging sister-in-law niya ang sexy star.

Loveless ngayon is Barang at sinasamantala ang magagandang oportunidad na dumating sa kanyang buhay.

Maganda ang papel na ginagampanan niya sa Sex Files na palabas ngayon under Regal Entertainment.
Parang Flowershop Ang Kuwarto Ni Angelika
Maraming manliligaw ngayon si Angelika dela Cruz na ang ilan ay mga taga-showbiz gaya nina Miko Sotto, Kempee de Leon, Railey Valeroso at isang avid admirer na taga-Austria. Ang lahat ay nagpapadala ng bulaklak sa kanya.

"Para ngang flowershop ang loob ng kuwarto ko. May roses na iba’t iba ang kulay at tulips mula sa foreigner na manliligaw ko," aniya.

Inamin naman nito na wala pa siyang special someone dahil career pa rin ang napagtutuunan niya ng pansin.

Ngayong nasa tamang edad na siya, ibinibigay na ng kanyang daddy ang pagtitiwala nito sa kanya. Pinayagan na siyang tumanggap ng manliligaw sa bahay.

Abala pa rin si Sunny sa tatlong beses every week na taping ng bago niyang soap opera na Habang Kapiling Ka.
Jopay, Nagkaka-Crush Din Sa Kapwa Babae
Nainterbyu namin si Diofanny Paguia o Jopay ng Sex Bomb Dancers na artista na rin ngayon. Siya ang sumunod kay Rochelle Pangilinan kung kasikatan ang pag-uusapan. Two years na siya sa grupo at dating miyembro ng Solid Gold Dancers kaya magaling sumayaw.

Nagtungo siya sa Eat Bulaga noon at nakita siya ng driver ni Allan K. at ipinakilala siya kay Joy na siyang talent coordinator ng programa at manager na nila ngayon.

Natsismis na rin siya kay Joey de Leon at naintrigang nabuntis siya ng TV host. Lagi siyang napag-uusapan dahil kay Joey kung saan laging bukambibig nito ang "pata pa lang, ulam na" (na patungkol kay Jopay dahil malalaki ang hita nito).

May pelikula ang Sex Bomb Dancers sa Regal Entertainment titled Bakit Papa?

Anu-anong bagay ang naibigay sa kanila ng pagiging Sex Bomb Dancers? "Nakatira na kami sa magandang apartment. Kumpleto na ang aming gamit sa bahay. Gusto kong magkaroon ng kotse kaya nag-iipon ako. Pangarap ko ring makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Criminology o kundi man ay kumuha ng training o workshop sa Photography," aniya.

Naintriga ang ilang kapatid sa hanapbuhay nang sabihin ni Jopay na nagkaka-crush siya sa kapwa babae gaya nina Angela Velez at Lilet na dating singer na nagbabalik-showbiz ngayon. "Di tomboy ka?" tanong ng isang mataray na reporter. "Hindi naman kaya lang normal na pag nagagandahan ka sa isang babae ay humahanga ka rin. Pero hindi ako pusong-lalaki, type ko ang mga lalaking may magagandang kutis," anang dancer.
Sabay Na Naligo Ang Sikat Na Aktres At Sexy Actor
May asawa na ang sikat na aktres pero may type itong aktor na guwapo at malakas ang sex appeal.

Nagkasama ang dalawa sa isang teleserye, agad nagka-crush sa kanya ang aktres. Nagsimula sa pagti-text ang dalawa hanggang maging close sila. Madalas makitang kumakandong ang aktres sa aktor.

Noong una ay ayaw itong bigyan ng malisya ng mga staff parang magkakapatid lang sila pero nang magtagal, sumasama na ito sa kuwarto ng aktor.

Ang the height pa sa kwento ng aking source ay nang maligo sila ng sabay sa banyo.

Show comments