Ngayon ang itinuturing na hottest babes on TV ay mayroon na ring movie! Ito ang Bakit Papa? ng Regal Entertainment. Ang titulo ay kinuha sa kanilang chart stopping hit na mula sa kanilang album na "Unang Putok" na ginawa nila sa BMG Pilipinas.
Makakasama nila sa Bakit Papa? na dinirek ni Uro Q. dela Cruz sina Wendell Ramos, Allan K (Bakit kaya hindi siya uma-attend ng presscon at nagpu-promote ng kanyang mga pelikula?), Jeffrey Quizon at ang mga bagets na sina Richard Gutierrez, Chynna Ortaleza, Dindin Llarena, Jane Oineza at Angelique Ferrer.
Roles ng secret agents ang gagampanan ng anim na kababaihan na binubuo nina Rochelle, Jopay, Monic, Izz, Yvette at Weng. Sila ang Sex Bomb Dancers na bukod sa kumakanta ay sumasayaw pa. Kaiba sila sa Sex Bomb Dancers na napapanood din sa Eat Bulaga at nagpu-promote sa mga malls ng "I Like I Like" album ng Universal Records na binubuo ng walong myembro na binubuo naman nina Eira, Jackie, May, Mia, Grace, Jolan, CheChe at Sandy.
Sa anim na Sex Bomb Dancers, and now movie stars, pinaka-senior si Rochelle na nag-iisa na lamang sa apat na bumuo ng original group. Kaya naman pagdating sa talent fee, nakakaangat siya sa lima niyang kasamahan sa grupo. Ang kita niya sa Eat Bulaga at sa napakaraming bookings nanggaling ang ipinagpapagawa niya ng bahay sa Malabon. Ito rin ang source ng ipinambili niya ng kotse. Isa siya sa tatlong myembro ng SBD na mayroon nang kotse. Ang dalawa pa ay ang magkapatid na CheChe at Sandy. Hindi ito nagmula kay Vic Sotto na isang taon nang itinutukso sa kanya. "Nagsimula lang ito sa lokohan na sinimulan ni Bossing (tawag nilang lahat kay Vic). Hindi ko na lang pinapansin dahil hindi naman totoo. Bahagi lang ito ng trabaho ko," ani Rochelle during the presscon for Bakit Papa?
Sa nasabi ring presscon, nagpakitang gilas ang grupo sa pamamagitan ng pagkanta ng acapella, to dispel rumor na may ghost singers sila.
"Kumakanta ho kami lahat sa grupo. Katunayan po, may second album na kami from BMG, isang Christmas album ("Wish Ko Sa Pasko") na susunod naming ipu-promote. Hindi po sa pagmamayabang, makaka-double platinum na po ang "Unang Putok," ani Izz na nanalo sa pakontes ng Eat Bulaga na "Ikaw at Echo".
Isang malaking patunay ng kasikatan ng SBD ay ang maraming indecent proposals na tinatanggap ng grupo. "Kumikita naman po kami ng maayos, bakit pa namin kailangang pumatol sa ganito," ani Jopay na inili-link naman kay Joey de Leon.
Tinatawanan din ng grupo ang mga puna na tinatanggap nila dahilan sa kanilang mga costume na kung tutuusin ay walang ipinagkaiba sa mga isinusuot ng ibang dancers. "Para wala lang gulo, nagpa-pants na kami. Kung yun lang ang kailangan para di na kami mapintasan," dagdag pa ni Rochelle.
Ipinaliwanag naman ni Weng ang dahilan kung bakit sila nagsusuot ng stockings gayong magaganda naman ang kanilang mga legs. "Proteksyon po ito para naman di kami makitaan kapag nagsasayaw kami."
"There can be no doubt about it, ang Sex Bomb Dancers ang pinakamalaking stars for this year. They have started a craze by simply doing what they love to do. Dancing on national TV and and singing their way into peoples heaqrts. Now is the best time to give the public what they long to see The Sex Bomb girls in the movies. Regal will make this wish c ome true in a very, very big way," ani Mother Lily Monteverde.