Cogie nangakong magbabago na
November 10, 2002 | 12:00am
Dati ng guwapo, pero mas umangat pa ang kaguwapuhan ngayon ni Cogie Domingo sa maigsi niyang buhok.
May binabagayan talaga ang mahabang buhok, hindi dahil guwapo ka ay kaya nang dalhin ng itsura mo ang kabuuan ng iyong personalidad kahit anong ayos.
Nung mahaba pa ang buhok ni Cogie ay parang ang dami-dami niyang problema, hindi maaliwalas ang kanyang itsura at kahit alam naman naming mahilig maligo ang guwapong binata ay hindi siya preskong tingnan.
Pero ngayon ay ibang-iba ang aura ni Cogie, parang lagi siyang bagong paligo, bukod pa sa talagang umangat nang husto ang kanyang kakisigan sa bago niyang buhok.
Tama si Direk Boots Plata, "Maganda ang katawan ni Cogie, bagay lang sa tangkad niya ang laki ng kanyang katawan, buhok lang ang problema ng batang yan."
Kamakailan ay nagkaroon ng seryosohang pag-uusap sina Cogie at Direk Joel Lamangan, direktor ng seryeng Kung Mawawala Ka at ng pelikulang Mano Po, ang opisyal na lahok ng Regal Films sa darating na Metro Manila Film Festival.
Kahit pa isang dangkal lang ang layo ni Cogie sa aming puso ay nakikiayon kami kay Direk Lamangan, mali ang kawalan ng disiplina sa trabaho ng batang aktor.
Kung bakit kasi ang nalalabing ilang oras ng pahinga ng binata ay inilalabas pa niya kasama ang mga kaibigan, tuloy ay nagkakasabit-sabit ang kanyang iskedyul sa taping at shooting, na ikinakukulo ng dugo ng mahusay na direktor.
Nagdesisyon si Direk Joel na kausapin na nang masinsinan si Cogie, kundi man masingganan, diretsong tinanong ng direktor ang batang aktor kung seryoso pa ba siyang ipagpatuloy ang kanyang propesyon.
Desidido raw siya, sabi ni Cogie, at mula sa kanyang tugon ay naglitanya na ng pangaral ang nagmamalasakit na direktor.
Naalala tuloy namin ang kuwento ni Direk Butse, isa sa mga direktor na nakahawak na kay Cogie, totoong habang naghihintay daw siya ay galit na galit si Direk Plata at kung anu-ano ang naglalaro sa kanyang isip na sasabihin niya kay Cogie kapag nagkaharap na sila.
"Pero kapag isinalang mo na kasi si Cogie at nakita mo ang acting at rehistro niya sa kamera, parang pinapalis ang galit mo, dahil magaling talagang umarte ang loko!
"Inaamin ko, inis na inis ako habang wala pa siya, mantakin mo namang napakaraming artista at production people na naghihintay, di ba?
"Pero kapag dumating na siya at nag-roll na ang mga camera, yung galit mo, lumilipad na dahil magaling siyang umarte at sumunod sa instructions!" tawa nang tawang kuwento sa amin ng direktor.
Ang pagsasama namin ng madalas ni Cogie ay hindi binubuo ng mga tawanan at kuwentuhan lang, palagi kaming nag-uusap ng batang aktor tungkol sa kanyang mga pangarap, tungkol sa kanyang kinabukasan.
Dahil parang kalabaw kaming magtrabaho na hindi magliliwaliw nang hindi pa tapos ang lahat ng trabaho ay ibinabahagi rin namin kay Cogie ang kahalagahan ng salitang prayoridad.
Kaya naming pagbigyan ang paggimik niya kasama ang mga kaibigan, basta siguraduhin lang niya na wala siyang trabahong mapababayaan kinabukasan.
Ang maliliit na dahilan naman ay napapansin lang at nasisisi kapag meron nang nasasagasaan at napababayaan, pero hanggang walang negatibong resulta ang pagpupuyat kasama ang mga kaibigan ay puwede pa nating sabihin na paglilibang lang yun mula sa maghapon at magdamag na pagtatrabaho.
Nagbitiw ng pangako si Cogie kay Direk Joel Lamangan na hindi na mauulit pa uli ang mga karaniwang problemang inaabot sa kanya ng produksyon, bibigyan na niya ng prayoridad ang kanyang trabaho at magkakaroon na siya ng disiplina.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am