^

PSN Showbiz

10 taon ang pinakabatang bold star

- Veronica R. Samio -
Nakatutuwa palang kausapin itong 10 taong gulang na aktor at itinuturing na isa sa pinakamagaling sa kanyang age bracket, si Jiro Manio na aanim pa lamang ang nagagawang pelikula pero nakakalimang tropeo na mula sa Famas, Metro Filmfest, Star Awards, Pasado at Gawad Urian na patunay sa kanyang kagalingan sa kanyang trabaho.

Bunso si Jiro sa apat na magkakapatid na may dugong Hapones. Japanese ang kanyang pangalan na ang ibig sabihin ay monkey. May isa siyang kapatid na lalaki na nagsasayaw sa Japan.

"Kahit na maraming terorista dito, mas gusto ko rito kaysa sa Japan," ang sabi niya during the presscon for his 6th movie, ang Mga Anghel sa Lupa ng Regal Films. About the love between a mother and her son, a love that survives even death. Starring Dina Bonnevie and Cogie Domingo, kasama sina Alwyn Uytingco, Maxene Magalona, Ricky Davao, Luciano B. Carlos at si Jiro, sa direksyon ni Jose Javier Reyes. Gumaganap siya ng role ng isang anghel sa movie.

Maituturing siyang pinakabatang bold actor sa dahilang sa pelikulang La Vida Rosa na kung saan ay nagpamalas siyang muli ng kagalingan sa pag-arte ay nagpakita siya ng kanyang front and behind. Walang pangimi niyang sinabi ito in Tagalog. Nakatutuwa dahil at his age wala pa siyang malisya bagaman at ayaw na ayaw niyang hinihipuan siya ng kahit pabiro lamang. Straight niyang sinagot na hindi pa siya circumcized "Bata pa kasi ako. Pagkatapos ko ng grade school," sabi niya.

Very proud si Jiro na sabihin na mayroon na siyang humigit kumulang sa kalahating milyon sa bangko (P500,000). At isa-isa niyang sinabi kung magkano ang tinanggap niyang bayad sa kanyang serbisyo – tig-P50,000 para sa Mila, Bagong Buwan at La Vida Rosa, P150,000 para sa Magiko Magnifico, P120,000 sa Mga Anghel sa Lupa at P80,000 para sa Tanging Yaman. Sa kanyang kinita, nakabili na siya ng isang kotseng Kia, isang PC (computer), Playstation at mga gamit sa iskwela.
*****
Pati pala si Kristine Hermosa ay may negosyo na rin! Katunayan, pormal nang binuksan ang kanyang David’s Salon sa bayan ng kanyang lolo, sa Ibanes St., Masbate City. Suki pala siya ng salon na ito at sa araw-araw na pagpunta niya rito ay napag-aralan na niya ang takbo ng negosyo. Nagustuhan din niya ang magandang serbisyo ng staff ni David Charlton, may-ari ng lahat ng branches ng David’s.

"Since puro kami babae at mahilig sa parlor, naisip kong mag-franchise ng David’s Salon para malibre kami. Marunong na akong mag-shampoo, maglagay ng hot oil, magmasahe, mag-blower, mag-make-up. Paggugupit na lang ang di ko pa gaanong alam," ani Kristine.
*****
Isa na namang bagong psychic ang nagpupugay sa katauhan ni Master Ehbbo Rubio, dalubhasa siya sa maraming karunungan na bunga ng kanyang paglalakbay.

Nagtuturo siya kung paano mo malalaman at magagamit ang iyong karunungan sa pamamagitan ng Brown Jakkra.

Bagaman at nakakatakot ang kanyang mga sinasabi tungkol sa penomenyang hatid ng El Mappa at Armaggedon War na nagpapakita ng senyales sa pamamagitan ng pagbagsak ng ating ekonomiya, pagsasara ng maraming kumpanya, pagkawala ng hanapbuhay, pagkawasak ng mga pamilya at pagdami ng kriminalidad, may lihim siyang natuklasan sa kanyang pag-aaral upang mapuksa ang salot na hatid ng 666 sa pamamagitan ng 888.

Interesado ba kayo? Tawagan na lamang siya sa 4278042 o 09202616071.

Magaganda rin ang kanyang sinasabi sa magiging kalagayan ng local showbiz.

ALWYN UYTINGCO

ARMAGGEDON WAR

BAGONG BUWAN

BROWN JAKKRA

JIRO

KANYANG

LA VIDA ROSA

MGA ANGHEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with