Like sinasabi niya na generous si Noynoy pagdating sa pera. Hindi raw siya pinagdadamutan ni Congressman Aquino during their time.
May time rin daw na after ng session sa Congress, sa pad niya nagi-stay si Noynoy. "Nagkukuwento siya kung anong nangyari sa session nila. Minsan nga wala akong choice kundi makinig lang dahil sobrang lalim na ng subject na dini-discuss niya," she said sa isang previous interview.
Okey naman daw ang relasyon nila. In fact, may time na nagsasabi si Noynoy ng mga family problem nila particular na ang tungkol kay Kris. Pero never daw siyang nag-comment, most of the time, nakikinig lang siya sa mga kuwento ng kongresista.
Actually, admitted siya na hindi siya puwedeng ma-in love kay Noynoy dahil accepted niya na hindi sila bagay. "From the start naman, hindi na ako nag-ilusyon na puwede kaming magkatuluyan. Alam ko namang hindi kami bagay. Mahirap lang ako at hindi ako professional," she confessed.
Almost six months lang ang relasyon nila ni Noynoy. Wala silang formal goodbye, basta na lang daw hindi nagpunta si Noynoy sa house niya. And everytime na maga-attempt siyang tumawag, hindi na sinasagot ni Noynoy. So nag-assume na siya na the end na ang relasyon nila dahil nagsisimula na rin ngang mag-leak sa media ang tungkol sa kanila.
Na-hurt siya, pero wala siyang choice.
In any case, isa si Barbara sa in-demand bold star too date. Sunod-sunod ang project niya. Latest movie niya ang Sex Files with Pyar Mirasol and Halina Perez under Good Harvest Films under the direction of Joven Tan.
Ang difference lang sa pelikulang to, lesbian ang role niya who has a lover, si Stella L (Gabby) at the same time, naka-schedule siyang pakasal sa isang bakla, (Danny Ramos).
Kelan lang ay magkasama ang dalawa na nagbakasyon sa Bali, Indonesia. In fact, nandon sila nang pasabugin ng mga terrorist ang Bali.
A year ago lang nang magpakasal sina Raymond and Lara sa Indian rites.
Actually, prior to this, lagi na silang nag-aaway at naghihiwalay, pero nagri-reconcile rin.
Umuwi raw sa kanya-kanyang bahay ang dalawa.
Naka-stipulate raw sa contract niya na hindi siya puwedeng lumabas sa ibang film outfit, ibang TV station or any form of entertainment without Vivas consent.
Napikon ang Viva dahil hindi nakikipag-coordinate si Jordan at ang marami niyang manager sa kanyang home studio particular na sa gagawin niyang movie na Sukdulan. Hindi raw ito nagbibigay ng schedule kaya napikon na si Vincent.
In a way, tama lang ang decision ng Viva. Para turuan na rin ng lesson si Jordan na feeling sikat na dahil sa ilang taong nagbibigay ng ilusyon sa kanya.
Kung tutuusin, sa Powerboys siya ang napag-iiwanan dahil lahat ng kasama niya may kanya-kanyang show sa ABS-CBN, samantalang siya wala, hanggang pasayaw-sayaw lang sa MTB. Pinayagan naman sana siya noon na lumabas sa show ng Dos pero instead na magpasalamat siya sa Viva, nagpapa-hard to get pa siya.
Poor Jordan. San kaya ang direction ng career niya? As an actor wala naman siyang improvement. Sa interview nga hindi siya makapag-explain ng tama sa mga intriga sa kanya paano pa siya magiging magaling na actor?