Gary nagtiis sa init makaporma lamang sa presscon

Nakatutuwa itong si Gary Estrada, napaka-excited nang dumating sa presscon ng kanyang movie na Gising Na Si Adan ng Jolo Films. Bukod sa naka-shades siya ay naka-jacket pa. "Ang asawa ko ang nagbihis sa akin. Kailangan daw magpa-impress ako dahil for two years ay inactive ako sa career ko. Eto nga o, nagpagupit pa ako, parang tipong Brad Pitt. Kaya nga na-late ako," paliwanag niya sa ilang mga editors na nagmamadali nang makaalis dahil malapit na ang deadline nila, kasama na ako.

Lahat nagkaisa na bagay ang bagong haircut ni Gary. Para siyang si Tom Cruise. But then, isa naman si Gary sa pinaka-guwapong aktor natin sa pelikula. Ang pagiging ama ng isang pitong buwan na batang babae ay hindi lamang nagbigay sa kanya ng maturity kundi nagpatingkad pa sa kanyang kagandahang lalaki.

"Ang init-init nga pero, nagtitiis ako na naka-jacket dahil sabi ng asawa ko, okay daw ang suot ko," dagdag pa ng aktor na nang una kong makilala ay ayaw na ayaw lumabas ng bold. Minsan ay napilitan siyang magpakita ng katawan sa isang lovescene pero, tatlong briefs ang pinagpatung-patong niya para hindi bumakat ang kanyang pagkalalaki.

"I miss acting at kailangan kong makisunod sa agos kung gusto kong balikan ang trabaho ko," paliwanag niya sa pagpayag na magkaroon ng maiinit na lovescene at magpakita ng katawan sa Gising Na Si Adan.

Medyo nga may bilbil pa ako pero, naitago ng tatlong babaeng kasama ko sa movie (Allona Amor, gf niyang GRO, Via Veloso, sister-in-law niya at Aya Medel, kontrabida sa movie, kapatid ni Jeffrey Santos, isa sa mga kontrabida naman niya) yung mga hindi dapat makita sa katawan ko," patuloy niya.

Bukod sa kanyang movie na magkakaroon ng marami pang kasunod, ayon sa kanyang manager na si Arnold Vegafria. "We have one with FLT and another one with Viva," anito, excited si Gary sa kanyang tabatsitang anak, si Garielle Bernice na kahit sa gitna ng isang kilalang boutique ay nagagawa niyang ipagtimpla ng gatas. "Sabi ko, action star ang ama mo anak.

"Marunong na rin akong mag-palit ng diapers at mag-alaga. Wala kaming yaya kaya alternate kami ni Berna nang pag-aalaga sa kaniya. Bukod kay Icee, palayaw ng kanyang anak, ay proud si Gary sa kanyang 11 years old na anak kay Cheska, si Kiko ay once a month a kinukuha niya. Mayroon din siyang dalawang adopted, sina Gary Christopher, 7 years old at si Gariella (Ela), 5 years old. Both study in Batangas but live with them in Tiaong, Quezon. "Ngayon dahil may pino-promote akong movie ay dito muna kami sa Manila but, otherwise, we stay in Tiaong."

Gary will be leaving with his wife and kid on December 28 para sa isang baseball meet sa Hongkong. "Kasali pa rin ako sa national baseball team. Mga January 2 na ang balik namin," sabi niya.
*****
I’m sure, pamilyar sa inyo ang pangalan at mukha ni Arlyn dela Cruz. Isa siyang sikat na reporter nang kidnapin siya at gawing hostage ng MNLF habang nasa isang opisyal na misyon. Inabot siya ng 98 days in captivity bago siya pinakawalan sa tulong ng kanyang ninang na si Cherry Cobarrubias at ibinigay kay Senador Loren Legarda.

Nakabalik na at aktibong muli sa kanyang propesyon ang matapang at magandang reporter. Bukod sa pagiging producer at host ng news program ng Net-25 Report sa UHF Ch. 25, isa rin siya sa pangunahing anchor ng Radio Mindanao Network (RMN), Lunes hanggang Biyernes.

Hindi ba siya natatakot na baka maulit ang nangyari sa kanya?

"Nawala ang takot ko matapos ang naging karanasan ko. At this point, I believe that nothing can hurt me anymore. Hindi rin makabubuti if I go around with bodyguards. Isa pa wala naman akong naging kaso sa kanila. Napagkamalan lang ako. Kung tumagal man ako in captivity ito ay dahilan sa may nag-offer ng ransom at marami ang nagdi-decide sa mga kumuha sa akin," aniya.

Daring and dangerous. Yan si Arlyn na nakilala sa kanyang scoops and exclusive interviews. Nasa ABC5 siya nang mainterview niya si Alfredo "Joey" de Leon ng Red Scorpion Gang. Sumunod ang kanyang first exclusive sa Abu Sayyaf.

Show comments